^

Punto Mo

Maid of Honor (247)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUWANG-TUWA si Inah nang malaman na tuloy na tuloy na ang pagbabakasyon nina Yana, pamilya ni Honor at pamilya ni Ram.

“Ilan ba kayo lahat, Sis at nang maihanda ko na ang tirahan n’yo?’’ tanong ni Inah.

“Mga mahigit kaming sampu, Inah.’’

“Bale dalawang pamilya ano?’’

“Oo. Pero siyempre may kasamang maid at driver ang mommy ni Ram. Kaya mag-reserve ka na ng para sa 15 tao.’’

“Okey Sis!’’

“Yung pinaka-special na accommodation ang ibigay mo sa mga kasama ko. Gusto ko masiyahan sila. Sinabi ko kasi sa kanila na pinakamaganda at pinakamaayos ang resort mo.’’

“Oo Sis. Hindi ka mapapahiya.’’

“At huwag kang mangamba sa pagbabayad dahil bilyonarya ang future mother-in- law ko. Wala kang puproblemahin.’’

“Wow! Kailangan pala talaga, super special ang serbisyo.’’

“Oo.’’

“Hihintayin ko kayo, Sis. Mag-text ka lang o call kapag malapit na para masalubong kayo ng banda, ha-ha-ha!’’

“Okey sige Inah.

ARAW ng pagtungo sa probinsiya nina Yana at mga kasama. Nasa isang malaki at brand new van sila na pag-aari ni Mommy Celia.

Magkatabi sa upuan sina Yana at Ram.

“Ang sarap siguro sa resort ni Inah ano Yana?”

“Oo. Nakahanda na raw lahat. Naghihintay na sila sa atin.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with