^

Punto Mo

Kawatang taxi driver, tutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dumarami ang natatanggap nating mga sumbong tungkol sa mga kawatan na taxi driver.

Sana matutukan ito nang husto ng mga kinauukulan at mapaalalahanan din  ang mga operator na mag-ingat  sa pagkuha ng mga driver para sa kapakanan ng mga pasahero.

Oo nga’t may mga taxi driver din na target ng mga holdaper na nagpapanggap na mga pasahero, pero ngayon dumarami ang naitatalang ang taxi driver mismo ang dumadale sa kanilang mga pasahero.

Kagaya na lang ng nangyari sa lungsod Quezon noong Miyerkules ng madaling araw kung saan isang babaeng Chinese ang nasugatan makaraang pumalag sa panghoholdap ng driver ng sinakyan niyang Sir Anthony taxi.

Pinalo ang biktima ng tire range   sa ulo nang tumangging ibigay ang dalang bag.

Ayon sa operator ng taxi, nakilala ang pumugang driver na si Simeon Abad Jr. Umeekstra lamang umano ito nang pamamasada kaya wala silang kumpletong papeles nito.

Kamakalawa rin ng gabi, isang ginang din na OFW ang tinangayan ng bagahe ng sinakyang taxi. Dala ng kawatan na driver ang lahat ng mahahalagang dokumento at gamit ng biktima pati ang mga pasalubong nito sa mga mahal sa buhay.

Inilagay ng biktima sa compartment ng taxi ang kanyang mga gamit pero ang siste nang makababa na siya sa taxi at kukunin na sa likod ang mga bagahe eh biglang pinatakbo ng driver ang sasakyan.

Marami ang ganitong modus na dapat ding ingatan ng mga pasahero o mananakay.

Sana ay mabigyang pansin ito ng mga kinauukulan at mga awtoridad para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay.

AYON

DALA

DRIVER

DUMARAMI

INILAGAY

SANA

SIMEON ABAD JR. UMEEKSTRA

SIR ANTHONY

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with