^

Punto Mo

EDITORYAL - Palayain sa Kahirapan, Krimen at Korupsiyon (KKK)

Pang-masa

MATAGAL nang nakalaya ang bansa sa mga Kastila – 116 na taon na ang nakalilipas. Pero hanggang ngayon, nakakulong pa rin ang mga Pilipino sa 3-K --- Kahirapan, Krimen at Korupsiyon. Tatlong mabibigat na problema ng bansa na hindi masolusyunan at lalo pang nababaon ang kawawang mamamayan. Hindi na nakahinga mula nang sakupin ng mga dayuhan.

Marami ang naghihirap. Sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na umangat ang ekonomiya at maaa-ring lampasan pa ang mga kapitbahay na bansa sa Asia, hindi naman ito maramdaman ng mamamayan. Walang pagbabago sa kanilang buhay. Mayroon pa ring nagugutom. Sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na bumaba ng 7 percent ang unemployment rate, marami pa rin ang walang trabaho. Mas marami ang naghahangad na makapag-abroad dahil sa kakula-ngan ng trabaho sa bansa.

Talamak ang krimen. Araw-araw, maraming nangyayaring malalagim na krimen. Gumagala ang riding-in-tandem at walang awang pumapatay. Laganap ang panghoholdap, akyat-bahay, pagtutulak ng shabu at iba pang krimen na naghahatid ng takot sa mamamayan. Hindi naman maasahan ang Philippine National Police (PNP) na protektahan ang mamamayan sapagkat hindi sila visible sa kalye lalo na sa kalaliman ng gabi.

Matindi ang corruption. Nabunyag ang malawakang katiwalian sa pork barrel fund na minaniobra ni Janet Lim Napoles. Nakawat ang P10-bilyon sa pork barrel fund. Tatlong senador, maraming mambabatas at government officials ang sangkot sa scam. Habang marami  ang naghihirap, nagugutom, maysakit at walang tirahan, ang pera ng taumbayan ay inuubos pala ng mga matatakaw. Kailan sila mapapanagot sa kabuktutan.

Palayain ang mamamayan sa KKK (Kahirapan, Krimen at Korupsiyon). Wakasan na ang sobrang katakawan ng mga niluklok sa puwesto!

ARAW

GUMAGALA

HABANG

JANET LIM NAPOLES

KAHIRAPAN

KAILAN

KORUPSIYON

KRIMEN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TATLONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with