^

Punto Mo

Uok (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NASORPRESA nga sina Tiyo Iluminado at Tiya Encarnacion sa pagdating ni Drew. Malayo pa lamang natanaw na siya ng mag-asawa at tuwang-tuwa. Malaki na ang pagbabago sa bahay nina Tiyo Iluminado. Hollow block na at de-kulay na yero ang bubong. Asensado na ang mag-asawa.

“Kumusta, Tiyo Iluminado?” bati ni Drew. Si Tiya Encarnacion ay palapit pa lamang sa kanila.

“Mabuti naman. Sinorpresa mo naman kami Drew. Sabi ko sa’yo mag-text ka para nakakapaghanda naman kami.’’

“Oo nga naman Drew,” sabi naman ni Tiya Encarnacion nang makalapit.

“Talaga pong hindi ako nag-text para magulat kayo.’’

“Ikaw talaga, Andrew, lagi mo kaming binibigla,” sabi ni Tiyo Iluminado at tinampal siya sa braso. “Halika sa loob. Akina nga ang bitbit mo. Ano ba ang mga ito, Drew?”

“Pasalubong ko sa inyo. Yung iba galing kay Daddy. Mga imported na delata yan at mayroong alak.’’

“Aba tamang-tama. Umiinom ka na ba, Drew?”

“Hindi po. Ayaw kong matuto.”

“Kung pakonti-konti lang e wala namang masama. E kumusta si Daddy mo?”

“Okey naman po. Nagretire na po siya. Nasa bahay na lang. Napapagod na raw po siya.’’

“Aba e di ang laki ng nakuha niya?”

“Ewan ko po.’’

Nagsalita si Tiya Encarnacion. Nag-aalala sa ipakakain kay Drew.

“Anong ipakakain natin   kay Drew, Iluminado. Kakahiya naman sa kanya.’’

“Mag-adobo ka ng dumala-gang manok. Teka at huhuli ako. Paborito ni Drew ang dumalagang adobo, di ba? Yung maraming gata at maanghang.’’

“Opo Tiyo. Walang adobong dumalaga sa Maynila.’’

“Sabi ko na at paborito mo yun. Teka at kukuha ako ng dumalaga sa kulungan. Sandali lang ang pagluto ng dumalaga dahil malambot. Masasarapan ka sa kanin namin, Drew. Bagong ani sa bundok. Mabango at malambot.’’

Mabilis ngang naluto ang adobong dumalaga. Sarap na sarap si Drew.

“Ang sarap ng luto mo Tiya Encarnacion. Wala nito sa Maynila.’’

Napangiti lang si Tiya Encarnacion.

Nang biglang itanong ni Tiyo Iluminado ang kuwintas na nakita sa batalan ng bahay sa kabila.

“Binigay ko na sa may-ari Tiyo. At nobya ko na siya.’’

“Di ba anak ni Uok yun?’’

“Opo. Gab po ang pa-ngalan.’’

“E nasaan na ang hayop na si Uok?”

(Itutuloy)

 

DREW

MAYNILA

NAMAN

OPO TIYO

SABI

SI TIYA ENCARNACION

TEKA

TIYA ENCARNACION

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with