Sporting event kung saan maaaring gumamit ng steriods, magaganap next year sa Las Vegas!
ISANG kontrobersiyal na palarong pampalakasan ang gaganapin sa May 2026 sa Las Vegas na tinawag Enhanced Games. Ito ay isang sporting event kung saan pinapayagan at hinihikayat ang paggamit ng performance-enhancing drugs (PEDs).
Kabaliktaran ng mga umiiral na rules and regulations sa mga international sports competitions, layunin ng Enhanced Games ay makita kung hanggang saan ang limitasyon ng human atlethic performance sa pamamagitan ng legal na paggamit ng mga substance tulad ng testosterone at anabolic steroids na aprubado at may reseta sa U.S.
Itinatag ni Aron D’Souza ang Enhanced Games. ito ay may walong events na kinabibilangan ng swimming, track, at weightlifting. Upang makahikayat ng mga kalahok, nag-aalok ang kompetisyon nang malaking premyo, appearance fees, at bonus prizes para sa mga makakapag-break ng world record sa iba’t ibang sports. Suportado ito ng ilang kilalang venture capitalists gaya nina Peter Thiel at Donald Trump Jr., at may plano rin ang organisasyon na magbenta ng performance enhancers sa mga manonood.
Tinuligsa ng mga anti-doping agencies ang naturang kompetisyon at tinawag ito bilang isang “clown show” na inuuna ang pagkita ng pera kaysa integridad ng sports. Ngunit giit ng Enhanced Games, hindi na angkop ang mga lumang regulasyon sa modernong panahon kung saan malaki na ang papel ng teknolohiya at nutrisyon sa performance ng atleta.
Sa kasalukuyan, inaabangan pa kung matutuloy ang Enhanced Games at kung sinu-sino ang lalahok na mga atleta rito sa kabila ng mga pambabatikos mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
- Latest