‘Pasok na!’
KAIBA sa mga nakaraang pasukan, sabik at masaya ang mga estudyante ng pambublikong paaralan ng Parañaque at Pasay sa darating na pagsisismula ng klase. Sabay silang magpapaalam sa mahabang bakasyon, gymnasiums at libraries na nagsilbing silid aralan nila nung mga nakaraang taon.
Kamakailan lang ay pormal nang naibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Travellers International (operator ng Resorts World Manila) ang four-story, 24-classroom building, bawat isa, sa Pasay City East High School at Tambo Elementary School sa Parañaque City. Ang bawat school building ay nagkakahalaga ng 53 milÂyong piso. Mayroon itong sampung comfort rooms at dalawa dito ay naka disensiyo para sa may mga kapansanan.
Ang bawat school building ay meron na ring 1,200 na bagong upuan, 50 na upuan kada silid. Ang mga upuang ito ay produkto ng Pinoy Bayanihan Project. Ito ay isang programa kung saan ang mga nakumpiskang ilegal na troso ay ginawang mga school desks at ibinibigay sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Ang Pinoy Bayanihan ay inilunsad noong Marso 2011 ng PAGCOR at ng mga katulong nitong ahensiya tulad ng Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang PAGCOR ay naglaan ng 100 milyong piso bilang panimulang pondo ng Pinoy Bayanihan Project.
Ipinaliwanag ni Naguiat na bukod sa limang bilyong pisong pondo para sa pagpapagawa ng humigit kumulang 5,000 na silid sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, inanyayahan din ng ahensiya ang iba pa nitong gaming proponents tulad ng Travellers International Hotel Group na maglaan ng pondo para sa school building project.
Binigyang-dangal ni Senator Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Games ang turn-over ceremony sa parehong paaralan. Ipinaliwanag nito ang importansiya ng public-private partnership sa pagtugon ng mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon. “Siyam na taon akong naging Congressman kaya alam ko kung gaano kahirap para sa national government na tugunan lahat ang problema sa kakulangan ng mga silid. Sa tulong ng PAGCOR at ng pribadong sektor, nagkaroon ng napaka-gandang sistema para yung isang henerasyon mabigyan ng kalidad na edukasyon,†pahayag nito.
Muli namang kinumpirma ni Stephen Reilley, Chief Operating Office of the Travellers InterÂnational Hotel Group ang suporta nito sa school building project ng PAGCOR. “Ang meron kami ngayun ay ang kaparaanan kung saan matututo at makapaghahayag ng angking galing ang inyong mga anak. Patuloy kaming tutulong sa pag-unlad at paÂgiging mas mahusay ng komunidad bilang kabayaran,†wika nito.
Ayon kay Lourdes Garido, Prinsipal ng Pasay City East High School, malaki ang maitutulong ng bagong school building upang mawabasan ang bilang ng mga estudyante sa bawat silid. “Noong nakaraang taon, meron kaming humigit-kumulang 4,000 na estudyante. Para magkasya sila, gumawa kami ng mga makeshift rooms. Yung stage at gymnasium ginagawa naming classroom,†kwento nito.
Malaki ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal ng Pasay at Parañaque City sa tulong at kabutihan ng PAGCOR at Travellers International.
“Ang edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan at kelangan nating magtulungan para maiangat ang kabuhayan ng ating mga nasasakupan. Malaki ang pasasalamat namin sa aming mga partners, dahil itong mga bagong building ay hindi lamang maganda kundi matibay pa. Sana ingatan ito ng mga estudyante para mapakinabagan din ng susunod na henerasyon,†pahayag ni Pasay City Representative Emi Calixto-Rubiano.
Samantala, nakikita na ni Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City ang pangangailangan ng karagdagan pang mga silid para sa pagpapatupad ng programang K-12. “Sa 2016, mangangailaÂngan tayo ng marami pang mga silid at guro para sa karagdagang baitang ng programa ng K-12. Napakagandang pangyayari ito na yung national government gaya ng PAGCOR at non-government agencies gaya ng Travellers International ay tumulong. Meron tayong halos 100,000 estudyante sa Parañaque City. Ang aming misyon ay maÂging one shift ang lahat ng ating mga campuses,†dagdag nito. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor, City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
- Latest