^

Punto Mo

Negosyo sa parking

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tinatayang 10 milyon na ang mga sasakyan sa bansa,  ayon kay Automotive Association of the Philippines president Gus Lagman.

Katunayan nito ang matinding pagsisikip ng mga lansangan dahil nga ewan nga ba kung bakit hindi makontrol-kontrol madalas na ginagawa ng parking ang mga lansangan.

Ang nakakaasar pa rito kalsada na naka-park, aba’y may bayad o may naniningil pa.

Pati kalsada pinagkakitaan.

Lucrative business ngayon ang parking, na karamihan ang painakamababang singil yata eh hindi bababa sa P30.

Lalo na sa mga malls  at commercial place. Ang iba nga ay nagsiismula sa libre ang lugar—kapag tumagal at lumalakas ang mall  unti-unti nang pinagbabayad ng parking ang kanilang mga kostumer.

Ewan pero tila di yata nakokontrol ng pamahalaan ang singil dito sa parking o sa mga tamang lugar na dapat ay huwag gawing parking area. Dito lamang sa Bgy Socorro sa harap ng Camp Aguinaldo---halos di mo na madaanan ang kalye dahil naka -reserve na ang magkabilang sidewalk bilang parking area.  Siguradong   alam yan ng barangay. Ganyan din ang nangyayari sa may  West Crame namumutakte ang kalsada sa mga nakahimpil na sasakyan.

Iyong mga private schools na itinatayo lalo sa Quezon City at Maynila dapat i-require ang parking sa lugar nila — pero karamihan sa eskwelahan ay tayo lang nang tayo para sa negosyo pero ang parking—dun sa kalye kaya apektado ang trapiko. Dito ang lokal na pama­halaan na ang dapat na umaksyon kundi kaya ng mga awtoridad.

Ok lang magnegosyo, pero sana naman ’wag makaper­wisyo sa iba!

AUTOMOTIVE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BGY SOCORRO

CAMP AGUINALDO

DITO

GUS LAGMAN

PARKING

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with