^

Punto Mo

Uok (166)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAHIRAP maki­pag-away sa taong hindi nalalaman ang buong katotohanan. Kahit na sabihin ko kay Iluminado na hindi ako ang nag-umpisa nang lahat kundi ang hipag niyang si Luningning, palagay ko, hindi siya maniniwala. Ang pinaniniwalaan niya ay ang sumbong ni Renato na naabutan ka­ming nagtatalik. At ako ang nadiin sa nangyari. Kaya nang magkita kami sa sementeryo, mayroon siyang binabalak sa akin. Nakita ko sa kilos niya. Gusto rin niya akong mapatay para maipaghiganti ang kapatid. Galit na galit siya habang patungo sa kinaroroonan ko. Palagay ko, mayroon siyang patalim na dala.”

“Ano po ang ginawa mo, Sir Basil?” tanong ni Drew.

“Nang susugurin niya ako, bigla akong tumakbo. Hindi naman karuwagan ang tumakbo. Ang sa akin lamang ay para makaiwas sa ma­aaring mangyari. Kasi’y kapag mayroon siyang ginawa sa akin, dapat kong ipagtanggol ang sarili. At pa­ano kung mapatay ko siya? Mala­king problema.

“Kaya walang puk­nat na pagtakbo ang gi­nawa ko. Hindi na ako lumingon at baka madapa lamang ako. Tuluy-tuloy ako sa bahay ng pinsan ko. Safe ako roon kung sakali. Magdadalawang-isip si Iluminado na habulin pa ako.

“Mula noon, hindi na ako nagtungo sa probinsiya. Iniwasan ko nang mag­kita pa kami ni Iluminado. Kaya hanggang ngayon, ang pagka­alam niya, ako ang may kasalanan nang lahat kaya nagawang magpakamatay ni Renato. Binansagan niya akong ‘Uok’ dahil sinira ko ang buhay ng kanyang kapatid. Kung alam lamang niya na tinukso ako ni Lu­ningning.’’

Napabuntunghininga si Basil. Malalim.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

BINANSAGAN

ILUMINADO

KAYA

NIYA

RENATO

SHY

SIR BASIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with