^

Punto Mo

Uok (162)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TAKOT na takot ako sa pagkakataong iyon. Nakatayo sa harapan namin si Renato at nakatingin sa amin ni Luningning. Nakatakip sa aming hubad na katawan ang puting kumot. Unang nasa isip ko ay baka barilin kami ni Renato. Ganun ang karaniwang nangyayari sa mga nahuhuling nagtataksil. O di naman kaya ay pagsasaksakin ang magkalaguyo.

“Pero ganoon na lamang ang aking pagtataka sapagkat walang ginawa si Renato. Wala rin siyang sinabi kahit man lang isang salita. Nakatingin lamang siya sa amin na para bang ang sinasabi ay ‘bakit nagawa n’yo ito sa akin?’ At pagkaraan ng ilang minutong pagkakatayo ay tumalikod na siya. Laglag ang mga balikat. Kung saan siya nagtungo ay hindi namin alam.

“Hindi ako makakilos sa pagkakahiga. Nakokonsensiya ako. Bakit ko nagawang pagtaksilan ang aking kaibigan? Sana tinanggihan ko ang iniaalok ni Luning­ning. Sana naging matatag ako at hindi bumigay sa tukso. Hindi ko sana kinagat ang ini­aalok ni Luningning. Napailing-iling ako pagkatapos.

“Nagtaka naman si Luningning sa pag-iling ko. Bakit daw ako napailing-iling. Sabi ko nakokonsensiya ako. Hindi ko dapat ginawa iyon. Pero sabi ni Luning­ning, huwag daw akong magsisi. Kami na raw ang magsama. Sasama raw siya sa akin sa Maynila. Iiwan na raw niya si Renato.

Pero hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ni Luning­ning. Ang nasa isip ko ay ang matinding pagsisisi. Matindi ang tarak ng konsensiya.

“Bigla akong buma-ngon. Saan daw ako pupunta, tanong ni Luning-ning. Hindi ako sumagot. Kami na raw ang magsama. Paliligayahin daw niya ako nang labis. Pero wala na akong naiintindihan sa sinasabi niya. Mabilis akong nagtungo sa aking kuwarto. Nagmamadaling nagbihis. Inilagay ko sa bag ang lahat ng aking damit. Lumabas ako ng kuwarto.

“Nakita ko si Luning-ning sa may pintuan. Sasama raw siya! Kami na lamang daw ang magsama!”

Pero tuluy-tuloy ako sa paglabas sa bahay. Nagmamadali ako. Matindi ang tarak sa konsensiya ko. Hindi ko kaya! Kawawa naman si Renato. (Itutuloy)

AKO

BAKIT

LUNINGNING

MATINDI

PERO

RENATO

SANA

SASAMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->