Ipinasu-surveillance ako ni Gen. Bantolo
HARD loser pala ang kababayan kong si Chief Supt. Allen Bantolo, ang chief of directorial staff o CDS ng NCRPO. Matapos matuligsa dahil sa sumbong ng mga kosa ko sa Bicutan na siya ang nasa likod ng malawakang “tong collection†activities ng NCRPO, aba nagwawala si Bantolo at mukhang personalan na ang lakad niya. Humahangos kasi na nagsumbong ang mga kosa ko sa Bicutan na nag-utos si Bantolo na ipasailalim ako sa isang malawakang surveillance at dalawa pang kasama sa hanapbuhay. Ang nautusan ni Bantolo ay ang taga-RPIOU. Hehehe! Ang hindi alam ni Bantolo, halos mahigit dalawang dekada na akong kumukuber ng NCRPO kaya marami akong nakilala at naging kaibigan na mga pulis. Kaya dahil sa magandang pakikisama ko, hayun nagtawagan at nag-text sa akin ang mga kosa ko sa Bicutan ukol sa kautusan ni Bantolo. Hehehe! Pikon pala itong si Bantolo, ano mga kosa!
Ano ang mahihita ni Bantolo o ng gobyerno na employer niya kapag nailagay niya kami sa isang malawakang surveillance? E di wala, di ba mga kosa? Sinayang lang ni Bantolo ang manpower at pera ng gobyerno na dapat sana sa riding-in-tandem niya ilaan para matigil na ang kaliwa’t kanang patayan sa Metro Manila. Sa tingin ko naman, ang action na ito ni Bantolo ay para malaman niya kung sino ang nagbibigay sa akin ng detalye nitong pagbanggit ng pangalan niya bilang nasa likod ng “tong collection†activities ng NCRPO. Sa totoo lang, ang mga naisulat ko tungkol kay Bantolo ay dulot lang ng sumbong at text na nakumpirma ko naman sa kalye. Walang may galit sa ‘yo Gen. Bantolo Sir! Puna lang ang mga ito, at walang bahid nang personalan! Mismo!
Imbes kasi na sa akin at mga kasama ko ibaling ni Bantolo ang galit niya, di ba dapat ang habulin n’ya ay ‘yung mga pulis at sibilyan na gumigisa ng pangalan niya sa gambling lords at financiers ng ilegal na pagkakitaan, di ba mga kosa? Kung gusto niyang malinis ang pangalan n’ya, dapat iutos ni Bantolo na hulihin ang mga “tong collector†na sina Jojo Cruz sa NPD, Noel de Castro sa MPD, Falwart ng QCPD, Ed Matti ng EPD, at Miguel Irinco ng SPD, Niño Espeleta at Jay Agcaoile at ipakulong sila para pogi siya. Hanggang sa ngayon kasi, patuloy naman ang pag-orbit ng mga nabanggit na “tong collectors†sa Metro Manila subalit hindi sila pina-surveillance ni Bantolo. Bakit? Hehehe! Mukhang barking on a wrong tree si Bantolo o di kaya’y may hangover pa siya ng marial law? Mismo!
Kung ang mga komunista at criminal gang members na magaling magtago ay nahuhuli ni Bantolo, eh bakit itong mga “tong collectors†na araw-araw nasa kalye ay di n’ya kayang arestuhin? Ano ba ‘yan?
Sa totoo lang, bilang CDS, matatawag kong “bastonero†ng NCRPO si Bantolo. Kaya ipatawag lang niya ang mga pulis na “tong collectors†at presto... nasa harap n’ya kaagad ang mga ito sa oras at petsa na kanyang i-skedyul. Bakit di mo sila ipatawag Gen. Bantolo Sir? Tanong lang po!
Ayon sa puna ng mga kosa ko sa Bicutan, ang pangraragasa ng NCRPO sa illegal gambling at iba pang pagkakitaan nitong nagdaang mga araw, ay bahagi lang ng “Oplan Pagpakilala†o pagpapataas ng weekly tara. Mukhang tama naman ang mga kosa ko dahil sa ngayon, tahimik na ang NCRPO ukol sa tabakuhan at hindi na pinaiiral ang “no take†policy ni DILG Sec. Mar Roxas sa illegal gambling. Kung sa tingin ni Bantolo ay epektib na paraan ang “surveillance†order niya para mahinto ang pagbulgar sa “tong collection†activities ng NCRPO, aba nagkakamali siya. Abangan!
- Latest