^

Punto Mo

Truck na gawa sa yelo, pinaandar sa Canada

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG truck na gawa sa yelo ang binuo ng isang kom-panya sa Canada upang mapatunayan na gumagana ang ibinebenta nilang baterya kahit sobrang lamig pa ng panahon. Hindi lang pang-display ang nagawa nilang truck dahil umaandar ito na katulad ng isang pangkaraniwang truck.

Upang makagawa ng isang truck gawa sa yelo, nagpatulong ang kompanya sa isang sikat na grupo ng iskultor sa Canada na sanay lumilok ng yelo.

Gumamit ang mga iskultor ng isang bloke ng yelo na may bigat na 5,000 kilos. Kailangang malaki ang bloke ng yelo na kanilang gagamitin dahil sa isang bloke lamang manggagaling ang buong katawan ng truck. Unti-unting nililok ng mga iskultor ang bloke sa korte ng isang truck. Ginamit nila ang 2005 Chevy Silverado bilang modelo ng kanilang truck. Pagkatapos malilok ang yelo sa hugis ng isang truck ay idinikit nila ito sa isang chassis na may kadikit nang motor.

Kumpleto sa detalye ang nilikhang truck ng mga iskultor. Kumpleto ito sa bintana at pintuan, plaka, rear-view mirror, at kahit sa maliliit na detalye katulad ng hugis-puno na car freshener na gawa rin sa yelo.

Nang matapos nang mabuo ang truck ay pinaandar na ito. Umabot sa isang milya ang nalakbay ng truck sa bilis na 30 kilometro bawat oras. Naging maayos naman ang takbo nito na umandar na parang isang pangkaraniwang truck.

Dahil ginawa ang truck para sa commercial ng kompanya na nagpagawa nito, ilang beses itong kinuhanan ng litrato at video bago ito dinala sa isang garahe upang doon matunaw.

Umaasa naman ang mga nagpagawa at naglilok ng truck na yelo na makapasok ang kanilang nilikha sa Guinness Book of World Records at matanghal ito bilang unang de-motor na sasakyan na gawa mula sa yelo.

 

 

CHEVY SILVERADO

DAHIL

GINAMIT

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

GUMAMIT

ISANG

KUMPLETO

TRUCK

YELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with