^

Punto Mo

Ang Tunay na Magaling

DIKLAP - Ms.Anne - Pang-masa

Si Tatz ay isang scripwriter sa telebisyon. Magaling siyang writer kaya apat kaagad na programa ang ipinagkatiwala sa kanya ng creative consultant nila.

Lingid sa kaalaman ni Tatz, marami pala ang naiinggit sa kanya. Marami sa mga kasamahan niyang writer ay walang permanenteng programa na hinahawakan. Halimbawa, co-writer lang ang iba sa isang teleserye. Tapos paminsan-minsan lang nabibigyan ng assignment. Marunong nga silang magsulat pero hindi magaling. Malaki ang kaibahan ng marunong magsulat sa magaling magsulat. To be exact, hindi sila kasinggaling ni Tatz na puwedeng magsulat sa teleserye, puwede rin sa variety show.

Biglang nag-resign ang creative consultant. Ang pumalit ay ka-vibes ng mga writers na walang permanenteng assignment. Nagsimula ang sipsipan. Bulong dito, sulsol doon. Ang resulta, nagkaroon ng permanenteng assignment ang mga writers na hindi kagalingan. Inalis kay Tatz ang tatlong programang hinahawakan niya at ibinigay sa mga sulsulerong mga writers. Isa na lang ang programang itinira kay Tatz. Walang nagawa si Tatz kundi mapaiyak dahil wala siyang magagawa sa naging desisyon ng bagong creative consultant.

Lumipas ang maraming buwan, sumemplang ang rating ng mga programang inagaw kay Tatz ng mga writers na hindi kagalingan. Nagalit ang mga bossing ng network. Pinalitan ang creative consultant at tinanggal nang tuluyan ang mga writers na hindi kagalingan.

Wala na rin si Tatz sa network na ‘yun na hindi nagpahalaga sa kanyang kakayahan. Lumipat na siya sa ibang network na triple ang talent fee na ibinabayad sa kanya kumpara sa talent fee niya sa dating network.

Mahirap patumbahin ang taong puno ng talent samantalang ang mga nagpapanggap na magaling ay natutumba sa isang ihip lang ng hangin.

BIGLANG

BULONG

HALIMBAWA

INALIS

ISA

LINGID

SI TATZ

TATZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with