^

Punto Mo

Happiness project (1)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

BINASA ko ang librong “The Happiness Project” ni Gretchen Rubin. Tungkol ito kung paano mas liligaya pa sa buhay. Nagbunsod ang ideya dahil sa tingin ng may-akda ay hindi pa siya ganoong thankful sa buhay niya.

Labindalawang paksa ang nais niyang tutukan sa loob ng isang taon at kada buwan habang idinadagdag ang mga natutuhan sa bawat nagdaang buwan. Narito ang mga iminumungkahi ni Rubin na paglaanan natin ng oras:

1. Pagpapataas ng enerhiya. Naniniwala si Rubin na kung mataas ang enerhiya mo, mas maligaya ka. Matatamo ito sa pagtulog ng maaga. Sa pagtulog ng tama at maayos tanggalin ang anumang distraction sa iyong pagtulog tulad ng ilaw o mga gadgets. Maglinis at magbawas ng mga gamit dahil sa paniniwalang kapag magulo ang nakikita mo, nakakaapekto ito sa iyong pag-iisip. Kung malinis ang paligid, mas malinis at maayos kang makakapag-isip. Bigyan ng oras ang mga bagay na paulit-ulit ng tinatawag ka at hinihingan ka ng panahon. Kaysa patuloy mo itong binabalewala, gawin mo na. Umarte ng buhay na buhay. Kung i aarte mo at paniniwalain ang katawan mong mataas ang enerhiya mo, chances are maniniwala ito at talagang mabubuhayan ang pakiramdam mo.

2. Tandaan ang pagmamahal. Tigilan ang  pagbubunganga. Gumawa ng mga bagay hindi para ikaw ay purihin o punahin. Huwag mag-expect ng praise o appreciation. Gawin ang mga bagay dahil gusto mo, hindi para ikaw ay purihin. Hindi maiiwasan ang diskusyon at pag-aaway sa anumang relasyon. Subalit may tamang pakikipag-away. Huwag magne-name calling at magbibitiw ng mga masasakit na salita. Walang iwanan. Kahit anong mangyari sika­ping tapusin ang argumento. Give proofs of love. Ang pagmamahal ay napapatunayan sa mga gawi. Sa kilos ipakita ang iyong pagmamahal, hindi lamang sa pagsasambit ng I love you.

3. Aim higher. Ipinapayo ni Rubin na gumawa ng blog para may maganda at positibo kang outlet sa mga bagay na nais mong ibahagi at pinagkakainteresan mo. Enjoyin ang pagkakamali. Sa ating mga pagkakamali naitatama at naisasaayos ang mga bagay-bagay. Kung hindi tayo nagkakamali, hindi tayo tatatag at mas gagaling. Enjoyin ang kalakip ng kabiguan ng buhay. Humingi ng tulong. Mas gagaan ang buhay kung hihingi ng tulong sa taong kayang gawin ang mga iyon. Tandaan, hindi kahinaan ang paghingi ng saklolo. Mahalin at isaayos ang iyong trabaho Mahalin ito para mahalin ka rin ng ginagawa mo. Tapos na ang kahapon at hindi pa dumarating ang bukas, kaya ang mayroon ka lang ay ang ngayon, kaya lasapin ito.

 

BAGAY

ENJOYIN

GRETCHEN RUBIN

HAPPINESS PROJECT

HUWAG

MAHALIN

TANDAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with