^

Punto Mo

Pagputol ng mga kahoy

SUPALPAL - Non Alquitran - The Philippine Star

UMAKSIYON nga ang provincial government ng Laguna sa walang habas na pagputol ng kahoy sa ginagawang kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Los Baños subalit huli na ang lahat. Halos 29 pirasong kapok at Mahogany na ang naputol at kahit anong ngawa pa ni Party list Rep. Lito Atienza at martsa ng mga residente ng Los Baños at mga enviromentalist ay hindi na maibalik ang mga kahoy, di ba mga kosa? Kung sabagay, dapat lang mag-ingay ang mga residente at environmentalists para maiparating sa kinauukulan ang kamaliang ginawa ng DPWH na pagputol nga ng mga kahoy. Hindi naman tutol ang mga residente sa development ng kanilang lugar kaya lang ang nais nila ay maitama ang pamamaraan at hindi lumalabag sa batas, hindi lang ang DPWH kundi maging ang contractor, ng paggawa ng kalsada, di ba mga kosa? Hehehe! Mismo!

Pinahinto kamakailan ni Isidro Mercado, ang provincial environment and natural resources officer (PENRO) ng Laguna, ang contractor sa 500-meter road widening project ng DPWH matapos matuklasan na hndi nag-comply ang mga ito ng requirements ng DENR. Noong Feb. 2014 kasi ay nag-request ang DPWH sa DENR para magputol ng kahoy sa proyekto na matatagpuan along the stretch ng Mt. Makiling Ecological Garden Road patungo sa Boy Scout of the Philippines at University of the Philippines, Los Baños campus. Dahil hindi kaagad nagbigay ng permit ang DENR, aba nagsimulang magputol ng kahoy ang contractor na ang armas lang ay ang permit na inisyu ng chairman ng Bgy. Timugan sa petsang Feb. 13 at Apr. 2 nitong taon. Siyempre, ang “instant massacre” ng halos aabot sa 50-anyos na Kapok at Mahogany trees ay kinastigo ni Kon. Norvin Tamisin na nanawagan sa DPWH na kumpletuhin muna ang requirements nila sa DENR, ang may karapatan lang para mag-isyu ng permit para magputol ng mga kahoy sa bansa. Ginamit ni Tamisin na basehan ang memorandum na ipinalabas ni Atty. Analiza Teh, DENR Undersecretary at Chief of Staff noong Feb. 5, 2013 na nagsasaad na, PThe cutting of planted trees within private lands shall be allowed subject to the clearance to be issued by the Regional Executive Director and  the cutting of naturally growing trees, including premium species within private lands and those to be affected by  the development and government projects shall be allowed subject to the clearance/permit to be issued by the Office of the Undersecretary for Field Operations.T Maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan ha, mga kosa?

Nagbanta naman si Mercado sa DPWH na gagawaran ito ng kaukulang kaparusahan, “For violation of section 77 of RA 7161 formerly section 68 of PD 705 as amended by EO277” once they ignore his halt order. Inutusan naman ni Engr. Joel Limpengco, Laguna DPWH district engineer ang kanilang contractor na sumunod sa kautusan ni Mercado habang inaayos pa ang gusot nila sa DENR. Hehehe! Dapat lang!

Pabor ang taga-Los Baños mga kosa sa development. Kaya lang ang panalangin nila ay sana hindi maapektuhan ang iniingatan nila 4,224-hectare Mt. Makiling Forest Reserve. Tumpak lang! Abangan!

ANALIZA TEH

BOY SCOUT OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

FEB

LANG

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with