Lalaki sa Mexico, gumawa ng isla mula sa plastic bottle
KUNG ang mga mayayaman ay bumibili ng sariling isla upang gawing bakasyunan, isang lalaki naman sa Mexico ang nakapagmay-ari rin ng sariling isla subalit hindi niya binili. Ang isla ay ginawa ng lalaki sa pinagsama-samang plastik na bote.
Ang lalaki ay si Reishee Sowa. Ginawa niya ang kanyang isla noong 1998 mula sa humigit-kumulang na 250,000 plastic bottles at tinawag niyang Spiral Island. Nakapagtayo siya rito ng bahay na may dalawang palapag at may appliances gaya ng oven at washing machine. May lawak na 300 metro kuwadrado ang isla o halos singlaki ng isang basketball court. Meron itong sariling beach na may totoong buhangin.
Binuo ni Reishee ang isla sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga bote mula sa Cancun, Mexico. Ang mga plastik na bote ang pinakaimportanteng parte ng isla dahil ang mga ito ang nagpaÂpalutang. Nang makaipon ng sapat na bilang ng mga plastik na bote, pinagbungkos-bungkos niya ang mga ito. Bawat bungkos ay itinali niya sa ilalim ng frame na gawa sa kawayan. Pagkatapos mabuo ang frame, pinatungan niya ng plywood at saka tinabunan ng lupa at buhangin. Tinaniman niya ng bakawan at ilang puno upang magsilbing silong sa sikat ng araw.
Nang mabuo ni Reishee ang kanyang isla, nagpalutang-lutang ito malapit sa baybayin ng Mexico. Plano ng gobyerno ng Mexico na kilaÂlanin ang isla bilang parte ng kanilang bansa, hindi pumayag si ReisheeÂ. Nilagyan kasi niya ng motor ang isla kaya umaandar na parang barko. Plano ni Reishee na libutin ang mundo sakay ng kanyang isla.
Sa kasamaang-palad, sinira ng bagyo ang isla noong 2005. Ngunit dahil pursigido sa pagkakaroon ng sariling isla, nakabuo muli si Reishee ng isang bagong isla na gawa uli sa plastic bottle. Ngayon ay isa nang tourist spot sa Mexico ang bagong gawang isla ni Reishee.
- Latest