^

Punto Mo

Lola sa China, dumaing ng migraine, natuklasang may bala sa ulo!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 77 anyos na lola sa China ang pumunta sa isang ospital upang ikonsulta ang paulit-ulit na pagsakit ng kanyang ulo. Para malaman ang dahilan ng madalas na pananakit ng ulo, ipina-x-ray ng doktor ang ulo ng matanda.

Nang lumabas ang resulta ng x-ray, laking pagkamangha ng doktor nang may nakitang bala na nakabaon sa utak ng matanda.

Ang lola na natuklasang may balang nakabaon sa kanyang ulo ay si Jin Guangying. Lahat ay nagulat sa nadiskubreng bala kabilang na ang kanyang mga pamilya na walang kaalam-alam na nabaril pala noon ang matanda.

Ayon kay Jin, bumaon ang bala nang siya ay 13 taong gulang pa lamang noong World War 2. Nakipaglaban ang kanyang ama bilang gerilya sa mga Hapones at tinutulungan niya ito sa pamamagitan ng paghahatid ng pagkain sa kanilang kampo. Minsang naghahatid, nakita siya ng mga sundalong Hapones. Hinabol siya at pinaputukan. Ayon kay Jin, may tinamaan munang tao bago nagderetso sa kanya ang bala. Akala niya noon, nadaplisan lamang siya sa may kanang tenga kaya hindi na siya pumunta pa sa ospital. Ang sugat niya ay ginamot na lamang ng kanyang ina gamit ang mga halamang gamot.

Ipinagwalambahala niya ang natamong sugat ng lagpas anim na dekada at ngayon nga lang niya nalaman na tinamaan pala ang kanyang utak noong pinagbabaril siya ng mga Hapones.

Ayon sa mga doktor, hindi malubha ang naging pinsala ng bala dahil nabawasan na ang puwersa nito nang ito ay tumama muna sa ibang tao bago tumagos papunta kay Jin.

Naalis ng mga doktor ang bala matapos ang operasyon. Dahil sa tagal ng panahon mula nang nangyari ang pagbaril kay Jin, nabalutan ng kalawang ang bala.

Nagpagaling nang lubusan si Jin pagkatapos ng operasyon at ngayo’y wala na siyang nararanasang pananakit ng ulo.

vuukle comment

AYON

BALA

DAHIL

HAPONES

HINABOL

IPINAGWALAMBAHALA

JIN

JIN GUANGYING

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with