Uok (133)
HINDI na napigilan ni Drew ang sarili sa matin-ding pagkasabik kay Gab. Hinalikan niya ito sa labi. Alam niyang maaari silang makita o mahuli ni Sir Basil pero hindi na niya mapigil ang sarili dahil masyado siyang nasabik kay Gab dahil sa ilang araw na hindi pagkikita.
Nalasahan niya ang sariwang labi ni Gab. Napakalambot. Nagpaubaya naman si Gab. Nasabik din marahil sa kanya dahil sa ilang araw na hindi pagkikita.
Napakabango ng hininga ni Gab. Parang sa hininga ng sanggol. Talagang napa-kasarap amuyin ng hininga ni Gab.
Idiniin pa niya nang marahan ang labi sa labi ni Gab. Hindi naman tumutol si Gab.
Naawat lamang sila nang maramdaman ang mga yabag ni Sir Basil papalapit.
“Drew si Daddy!†bulong ni Gab at dumistansiya kay Drew.
Tinawag sila ni Sir Basil. Kakain na ng dinner.
“Halina kayo at nakahain na,†sabi nito.
Tumayo si Gab.
“Halika na Drew. Mukhang masarap ang niluto ni Daddy.’’
Tumayo si Drew at sabay silang nagtungo sa kitchen.
Nakahain na nga. Mara-ming ulam na nakahain sa katamtamang laki ng mesa na may apat na silya.
“O upo na kayo at kumain na tayo. Pumili na lang kayo ng ulam na gusto.’’
“Ikaw po ang nagluto lahat niyan, Sir Basil?â€
“Oo.’’
“Sanay ka po palang magÂluto.’’
“Noong nasa Saudi ako e nagluluto ako sa villa namin. Nakakasawa na kasi ang luto sa aming cafeteria.’’
Dinampot ni Drew ang bandehado ng kanin at iniabot kay Gab. Kumuha si Gab ng kanin. “Salamat Drew.â€
Si Drew naman ang nagÂlagay ng kanin.
“Tikman mo ang sisig ko at masarap. Masarap din yang crispy pata.’’
“Titikman ko po lahat, Sir Basil.’’
“Sige lang. Basta kain ka nang kain.’’
Nagsalita si Gab.
“Daddy hinay-hinay ka sa crispy pata at ma-cholesterol yan.’’
“May gamot naman ako. At saka paminsan-minsan lang. Natutuwa lang kasi ako ngayon dahil magkasundo na kayo. Nagseselebreyt lang dahil muli kayong nagkabati. Huwag na kayong magtatampuhan. Pati ako ay apektado kapag magkagalit kayo. Gusto ko lagi kayong masaya.’’
“Pangako po. Hindi na ako susumpong,†sabi ni Drew.
“Salamat Drew. Sige kain nang kain. Mamaya, ituloy natin ang pagkukuwentuhan. Hindi pa tapos ang kuwento ni Uok, di ba?’’
(Itutuloy)
- Latest