Baking tips
MAY mga nagtatanong sa akin ng baking tips at dahil nag-aaral ako ngayon sa baking and cooking school ni Chef Boy Logro, narito ang ilang mahalagang dapat malaman:
• I-pre heat ang oven sa tamang temperaturang nakasaad sa recipe bago ka pa man maghalo. Gumamit ng oven thermometer para accurate ang temperatura.
• Mahalagang room temperature ang mga butter, margarine at itlog bago mo sila gamitin. Isang oras bago ka maghalo ay ilabas na sila sa ref. Ito ay para masigurong mahalo sila ng tama at pantay.
• Isang sikreto ng paghihiwalay ng puti sa pula ng itlog ay ang palamigin muna ito. At saka paupuin at room temperature bago gamitin.
• Sa paghuhurno, ilagay ang pan sa gitna ng oven, o kung may mga katabi ay tama ang spacing sa pagitan para ang hangin at init ay pantay sa lahat ng sides ng iyong cake.
• Iwasan ding direktang magkapatong at pantay ang mga pan sa loob ng oven para tama ang sirkulasyon ng init at pagkakaluto.
• Iwasang buksan nang buksan ang oven kapag nagsimula ka ng mag-bake rito. Para hindi fluctuating o taas baba ka ng temperatura.
• Upang malaman kung luto na ang brownies, bahagyang ishake ang pan kapag hindi na ito nasi-shake luto na. Maaari ring gumamit ng toothpick. Sundutin ang gitna dahil ito ang huling naluluto. Kapag tuyong crumbs ang sumama sa tooth pick, okay na ito. Kapag basa pa, ibake pa.
• Siguraduhing ang mga dry ingredients tulad ng harina ay salain o i-sift muna para magkaroon ng hangin at gumaan at maging pino, gayundin ay matanggal ang mga maliliit na butil o bato na hindi dapat makasama.
• Sundin ng eksakto ang sukat ng mga sangkap na nasa recipe. Dito nagkakaiba ang baking sa cooking. Sa pagluluto pwede kang magtantiya, sa baking dapat ay sakto ang lahat.
• Pagdating naman sa tamang oras ng pagbebake, depende ito sa iyong oven. Ang nakasaad sa recipe ay average lang naman. Pero makaktulong kung +-5minutes ng oras na ibinigay ay i-test mo na for doneness. Kaibiganin, kilalanin ang iyong oven dahil ito ang bestfriend mo bilang baker.
• Mas mainam na ifreezer ang baked goods kaysa i-ref dahil tumitigil ang tinatawag na staling, o ang pagkaluma nito dahil tumitigas sa hangin.
- Latest