Uok (130)
S I Gab ang nagbukas ng pinto!
Pero bago pa nagawang makapasok ni Drew ay mabilis ding nakaalis sa may pinto si Gab at nagtatakbo.
Pumasok na si Drew.
“Gab! Gab!â€
Pero mabilis si Gab sa pagtakbo at tinungo ang kanyang kuwarto. Isinara iyon.
Tumigil na si Drew. Galit pa rin si Gab. Hindi pa siya napapatawad.
Ipinasya ni Drew na umupo sa sopa. Ipinatong niya ang mga bulaklak sa center table. Maghihintay siya. Baka sakaling mapatawad na siya ni Gab.
Habang nakaupo ay nagmamasid si Drew sa kabuuan ng bahay. Nakikiramdam. Nasaan kaya si Sir Basil? Kanina pa niya hindi nakikita. Ah, baka nasa kuwarto niya at natutulog.
Sumandal si Drew sa sopa. Hindi muna siya aalis. Maghihintay siya. Okey lang naman sa kanya kahit walang kausap. Sanay siyang maghintay. Matiyaga siya. Baka sakaling sa paghihintay niya ay maawa si Gab at patawarin na siya.
Nasaan na kaya ang bulaklak na dinala niya noong isang araw? Itinapon kaya sa basurahan? Siguro naman hindi gagawin iyon ni Gab. Sabi ng Daddy niya, lumaÂlambot daw ang matigas na kalooban ng babae kapag binigyan ng bulaklak. Pero bakit kaya ayaw pa siyang patawarin ni Gab? Bakit sa kabila ng panunuyo niya ay hindi pa rin siya mapatawad? Mga ilang pumpon pa kaya ng roses ang ibibigay niya para mapalambot si Gab?
Napabuntunghininga siya.
Luminga-linga sa paÂligid. Pagkatapos ay tiningnan ang oras. Alas singko na ng hapon. Kalahating oras na siyang naghihintay.
Wala pa rin si Sir Basil.
Maghihintay pa rin siya. Makakapaghintay pa siya. Baka sakaling maawa si Gab.
Hanggang sa makatulog si Drew habang nakasandal sa malambot na sopa.
(Itutuloy)
- Latest