Airport mismanagement
NAPAPANAHON ang paÂnukalang imbestigahan na ng Kongreso ang mga kapalpakan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Naghain ng House resolution si Valenzuela Rep. Sherwin GatÂchalian upang imbestigahan ang “mismanagement†sa NAIA na parusa ang nararaÂnasan ng mga pasahero.
Kahit pa sunod-sunod ang kapalpakan sa NAIA, hindi matitinag si NAIA general manager Angel Honrado dahil walang plano si Pres. Noynoy Aquino na sibakin siya sa puwesto.
Isa sa maagang penetensiya ay ang nangyari sa NAIA 1 na nagsilbing sauna sa mga pasahero dahil walang airconditioning. Ikinatwiran ng pamunuan ng NAIA na ini-off daw ang ibang aircon unit dahil may isinasagawang pagkukumpuni samantalang ang mga naunang nasira ay hindi pa dumating ang inorder na unit.
Humingi na ng paumanhin si P-Noy. Mahabang proseso raw sa gobyerno tulad ng pagbili ng mga kagamitan o aircon unit. Pero mahina talaga yatang dumiskarte ang pamunuan ng NAIA. Kung nagpapatuloy ang construction sa NAIA 1, gumawa ito ng paaraan upang masolusyunan ang problema.
Dapat inilipat pansamantala ang operasyon ng NAIA 1 o humanap ng lugar na hindi mapeperwisyo ang publiko. Nataon pa naman noong Martes sa kasagsagan ng pagbuhos ng mga pasahero sa NAIA 1 dahil sa mahabang bakasyon. Sana bilang pakunsuwelo, hindi pinagbayad ng terminal fee ang mga pasahero.
Samantala, dapat maglunsad ng information campaign ang NAIA. Ipabatid sa publiko kung saang lebel na at kung kailan ba matatapos ang mga ginagawang pagkumpuni sa NAIA at gawan nila ng pansamantalang solusyon.
Ang kailangan ng publiko ay pansamantalang solusyon at hindi mga alibi o rason sa pagkakaroon ng problema. Kaya nagÂlagay ang Presidente ng pinuno sa ahensiyang ito para mangasiwa at ibigay ang tamang serbisyo.
Masyadong mabait si P-Noy sa kanyang mga tauhan. Siya pa ang humingi ng paumanhin para maisalba ang pamunuan ng NAIA sa mga batikos ng mamamayan.
- Latest