Uok (128)
BADING pala ang pinagselosan ni Drew, ayon kay Sir Basil. Kaklase raw noong high school at matagal na hindi nagkita kaya masayang-masaya ang dalaÂwa habang nagkukuwentuhan. Hiyang-hiya si Drew. Hindi lang kay Gab kundi pati kay Sir Basil.
“Sorry Daddy, este Sir Basil, hinusgahan ko agad si Gab. Madali akong nagselos at hindi muna nag-imbestiga. Sorry po, hindi na mauulit!â€
“Sa akin ay wala iyon, alam ko naman ang naramdaman mo nang makita si Gab at kaklase niya. Pero si Gab ang inaalala ko, masyadong dinibdib ang ginawa mong pag-alis. Tapos, tinatawagan ka niya ay hindi mo sinagot. Nag-iiyak si Gab. Tapos hindi kumain. At yun, nilagnat na. Madali siyang maapektuhan ng problema. Mula nang magalit ka, hindi na lumabas ng kuwarto. Nakapasok lang ako sa bedroom niya at nalaman na may sakit nang pilitin ko. Kinatok kong mabuti.’’
“Sorry po ulit. Hindi na po mangyayari iyon. Nagawa ko lang po yun dahil selos na selos ako. Pero nagkaroon na po ako ng aral. Pati po si Daddy pinangaralan ako.’’
‘‘Salamat naman at marunong kang tumanggap ng pangaral, Drew.’’
‘‘E okey na po kaya ang lagay ni Gab?’’
‘‘Titingnan ko. Sasabihin ko na narito ka at humihingi ng tawad. Sana ay papasukin ako.’’
“Salamat po.’’
Tumayo si Basil at tinungo ang bedroom ni Gab. Sinundan ng tingin ni Gab. Kinatok ang pinto. Maya-maya binuksan. Pumasok si Basil.
Hindi humihinga si Drew.
Maya-maya lumabas na si Basil. Malungkot.
‘‘Galit pa si Gab. Ayaw ka raw makaharap. Masama talaga ang loob. Bumalik ka na lang sa ibang araw, Drew.’’
Bigung-bigo si Drew.
(Itutuloy)
- Latest