Lalaking inilibing sa France, buhay pala matapos ipa-autopsy ng insurance company
SI Angelo Hays, 18, isang French ay naaksidente noong 1937. Bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang pader na ikinamatay niya. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga, hindi na makilala ang kanyang mukha. Nang dalhin siya sa ospital, idineklara siyang patay ng mga doktor. Dead on arrival (DOA) si Angelo.
Dahil sa sobrang pagkabasag ng mukha ni Angelo, hindi na pinayagan ang kanyang pamilya na makita ang itsura ni Angelo. Ito ang dahilan kung bakit minabuti na lang ng kanyang pamilya na ipalibing agad ito matapos ang tatlong araw na paglalamay.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin lubos na naniwala ang insurance company ni AngeloÂ. Kakukuha lang kasi ng insurance policy na nagkakahaÂlaga ng 200,000 francs (P2 milÂyon) nang biglang mamatay si Angelo kaya naghinala ang kompanya na maaring hindi aksidente ang pagkamatay niya.
Dahil sa hinalang maaring pinatay si Angelo, nagpadala ang kompanya ng mga imÂbestigador upang ipa-autopÂsiya ang bangkay nito. Noon ay dalawang araw nang naÂililibing si Angelo.
Hinukay ang bangkay ni Angelo. At nagulat ang mga imbestigador nang malaman na buhay pa si Angelo. Buhay ito dahil mainit pa ang katawan. Mabuti at hindi siya pina-embalsamo dahil sa pagmamadaling mailibing. Nakaligtas siya sa pagkakalibing nang buhay dahil hindi masyadong kailangan ng katawan ng tao ng hangin habang nasa coma.
Nagpagaling nang lubos si Angelo. Naayos din ang kanyang mukha sa tulong ng mga doktor. Naging sikat siya sa France pagkatapos kumalat ang kuwento ng kanyang pagkalibing nang buhay. Naging imbentor din siya ng isang espesyal na kabaong na may radyo sa loob para makakapag-signal ang sinumang malibing nang buhay.
- Latest