^

Punto Mo

Lalaking na-stranded sa disyerto, gumawa ng motorsiklo mula sa nasirang kotse

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NILALAKBAY ni Emile Leray ang Sahara Desert sakay ng kanyang kotse upang makarating sa isang bayan sa Morocco nang harangin siya ng mga awtoridad at bigyang babala. Delikado raw ipagpatuloy ang paglalakbay sa disyerto. Pero ayaw na niyang bumalik sa pinanggalingan, kaya ipinasya niyang suwayin ang mga awtoridad. Tinahak niya ang isang liblib na ruta sa Sahara para hindi mahuli.

Dahil mabato ang disyerto na kanyang tinahak, nasira ang kanyang kotse. Nag-isip agad siya ng solusyon para makarating sa pinakamalapit na bayan. Tiyak na mamamatay siya sa pagiging stranded sa Sahara kapag hindi nakaisip ng paraan. Hindi aabot ang baon niyang pagkain at tubig.

Palibhasa ay isang inhinyero, naisipan ni Emile na bumuo ng motorsiklo mula sa  ilang parte ng kanyang nasirang sasakyan. Gumagana pa naman ang makina ng kotse kaya posible ang kanyang naisip.

Sinimulan niyang kalasin ang mga parte ng kotse para gawing motorsiklo. Ang bumper nito ang ginawa niyang upuan ng motorsiklo. Ginamit niya ang chassis bilang frame ng motorsiklo kung saan idinikit ang makina, tangke at ba-terya at dalawang gulong.

Inabot siya ng 12 araw bago nabuo ang motorsiklo. Papaubos na ang kanyang tubig at pagkain. Tuwang-tuwa siya nang mapaandar ang pinagtagpi-tagping motorsiklo.

Naglakbay siya ng 20 milya para marating ang pinakamalapit na bayan kung saan sinaklolohan siya ng awtoridad.

Marami ang humanga kay Emile sa ginawang motorsiklo.

DAHIL

DELIKADO

EMILE

EMILE LERAY

GINAMIT

GUMAGANA

INABOT

MOTORSIKLO

SAHARA DESERT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with