Uok (101)
“HINDI ko ginising si Mahinhin para iabot ang wallet. Baka maistorbo ko siya sa pagtulog. Magigising din naman siya kapag naningil na ang konduktor.
“Sinusulyapan ko si Mahinhin habang natutulog. Maikli ang buhok niya. Matangos ang ilong maninipis ang makipot na mga labi. Mga 45 years old na siguro si Mahinhin. At palagay ko, may asawa na. Bakit kaya antok na antok. Siguro ay biyahera. Pero wala naman sa ayos niya ang biyahera. Nakapalda at blusa siya. May anak na kaya siya?
“Maya-maya ay nakita kong nag-aabot na ng tiket ang konduktor sa mga pasahero. Nang lumapit sa amin ay tinanong ako kung saan bababa. Sinabi ko. Tinanong ako kung ilan. Sabi ko’y isa lang. Napangiti ang konduktor. Akala raw niya ay kaÂsama ko ang katabing babae.
“Tinapik ng konduktor ang babae. Marahan lang. Nagmulat ang babae. Tinanong ng konduktor kung saan bababa. Sinabi ng babae. Parehas sila ng bababaan ng babae. Iniabot ng konduktor ang tiket. Pagkaabot ng tiket ay muling natulog ang babae.
“Muli kong sinulyapan si Mahinhin. Tulog na tulog. Muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Maganda si Mahinhin. Parang masarap halikan ang makipot at manipis na mga labi. Baka naman wala pang asawa. Pinagmasdan ko ang dakong dibdib. Katamtaman ang dalawang umbok. Hindi malaki at hindi naman maliit. Tamang-tama kapag dadakutin. Hagip na hagip. Muli niyang sinulÂyapan ang mga binti ni Mahinhin. Makinis na makinis. Hanggang tuhod ang palda ni Mahinhin.
“Maya-maya pa nakita ko ang paniningil ng konduktor. Dinukot ko ang aking pitaka at naglabas ng pera. SinulÂyapan ko si Mahinhin. Tulog pa rin ito.
“Lumapit ang konduktor sa kanila. Nagbayad si Basil. Pagkatapos ay si Mahinhin ang hinarap. Tinapik muli. Nagising. Hiningi ng konduktor ang pamasahe. Kumilos si Mahinhin para kunin sa bag niya ang wallet. Walang makita. Hinalungkat pa ang bag. Wala! Nainip yata ang konduktor at sinabing babalikan na lang si Mahinhin.
“Patuloy sa paghahanap sa wallet si Mahinhin. Nataranta na. Hindi na malaman ang gagawin. Saka na ako kumilos at ibinigay ko ang wallet. Gulat na gulat. Hindi makapagsalita.â€
(Itutuloy)
- Latest