^

Punto Mo

Uok (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A LAM mo Drew, gusto kitang kakuwentuhan. Kahit kailan hindi ako ganito kasipag magkuwento pero mula nang magkakilala kayo ni Gab at nagkausap tayo, aliw na aliw akong magkuwento sa iyo,” sabi ni Basil.

“Sabi nga po ni Gab, hindi ka dati palakuwento. Nagtataka nga raw po siya dahil naging palakuwento ka sa akin.’’

“Totoo yun, Drew. Hindi talaga ako palakuwento. Sa iyo lang ako naging ganito. Siguro ay dahil pinakikinggan mo ako.’’

“Oo nga po, Daddy este Sir Basil. Naaaliw naman po talaga ako sa kuwento mo.’’

“Baka marinig ka ni Gab na tinawag mo akong Daddy, sige ka. Mabibisto tayo.’’

“Nagkakamali po ako Sir Basil.’’

“Sige, sisimulan ko na ang kuwento ko tungkol sa ikalawang babae na nagkaroon ako ng relasyon at ‘sinira’ ko. Etong ikalawang babae na ito ay matindi rin ang naging ‘tama’ sa akin.’’

“Ano pong name ng babae?’’

“Mahinhin.’’

“Ang ganda ng pangalan.’’

“Talagang mahinhin siya, Drew. Kung si Pacita na una kong nakarelasyon ay mahinhin, mas mahinhin si Mahinhin.”

“Paano mo nakilala si Mahinhin, Sir Basil?”

“Sa bus na patungong probinsiya.’’

“Saan pong probinsiya --- sa Mindoro rin?”

“Oo. Wala naman akong alam puntahan kundi Mindoro.”

“Pero akala ko po, iniwasan mo nang pumunta roon dahil sa nangyari kay Pacita.”

“Pinalipas ko muna ang isang taon bago nagbalik. Naisip ko, siguro ay wala nang makakaalala sa nangyari kay Pacita. Hindi na ako paghihinalaan na sangkot dun.’’

“Hindi ka natakot, Sir Basil?”

“Hindi na.’’

“Paano kayo nagka­kilala sa bus ni Mahinhin?”

“Naghahanap ako nang mauupuan. Nakita ko ang pandalawahan at nakaupo na roon si Mahinhin. Lumapit ako at tinanong kung may nakaupo. Wala raw. Naupo ako. Wala pa kaming imikan. Hanggang umalis ang bus sa terminal.

“Nang nasa terminal na ang bus, nahulog ang pitaka ni Mahinhin. Dinampot ko. Nang yumuko ako napansin ko ang maganda at makinis niyang binti. Pinagmasdan ko sandali. Nang umangat ako, natutulog pala si Mahinhin. Hindi nalalaman na nalaglag ang pitaka niya…”

(Itutuloy)

AKO

MAHINHIN

MINDORO

NANG

OO

PACITA

SIR BASIL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with