^

Punto Mo

Nakaaalarma ang China

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TILA hindi na mapipi­gilan ang tensiyon at posibleng lumala pa ang tungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea --- ang Ayungin shoal.

Ito ay matapos na magbanta ang China sa Pili­pinas hinggil sa paghimpil ng BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naninindigan ang Pilipinas na manatili sa Ayungin shoal ang BRP Sierra Madre sa kabila na pinaaalis ng China.

Nakakaalarma ang banta ng China dahil baka mauwi sa mas mabigat na tensiyon at away ng Pilipinas na malagay sa alanganin ang buong bansa. Makakadagdag pa sa tensiyon ang binubuong kasunduan ngayon ng Pilipinas at US ang pagda­dagdag ng mga sundalong Amerikano sa bansa.

Ang tanong ko, masasandalan kaya natin ang mga Amerikano kapag may ginawang hindi kanais-nais ang China? Hindi kaya puro porma ang US at sa dakong huli, Pilipinas lang ang mapasubo sa gulo.

Sa isinusulong na Executive Agreement ng US at Pilipinas sa karagdagang tropang Amerika sa Pilipinas, masusubukan natin kung hanggang saan ba makakatulong ang mga ito sa bansa.

Ako ay duda kung kikilos ang US para ipagtanggol ang Pili­pinas. Maraming dapat ikonsidera ang US. Dahil sa tensiyong ito, masusubukan natin kung tutulong ang US sa Pilipinas sakaling may mang-agrabyado sa atin.

Umasa na lang tayo na ang anumang desisyon ng Pilipinas sa usapin ng mga pinagtatalunang isla sa South China Sea ay magiging paborable sa interes ng ating bansa at hindi na humantong­ sa kaguluhan.

AMERIKA

AMERIKANO

AYUNGIN

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE AGREEMENT

PILIPINAS

SIERRA MADRE

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with