Mabubuhay ba tayo nang walang kanin?
MAY mga bansa tulad ng mga nasa Kanluran na ang mga tao ay nabubuhay nang walang kanin sa kanilang agahan, tanghalian, at hapunan. Kadalasan, mga cereal, tinapay, karne, prutas o gulay lang ang regular na nasa kanilang hapag araw-araw. Kaya nga ang mga Pilipinong napapadpad sa mga lugar na ito ay hirap sa pakikibagay sa dayuhang kultura lalo na sa sistema ng pagkain bagaman nakakasanayan din nila sa pagdaan ng panahon.
Sa mga bansang tulad ng Pilipinas, hindi mawawala ang kanin sa hapag. Hindi maaa-ring wala nito sa araw-araw nating buhay. Hindi na baleng tuyo lang o dilis o asin o toyo ang ulam. Basta’t maraming kanin sa plato, okay na. Basta mabusog lang. Makakakita ka nga ng Pinoy na nag-uumapaw sa dami ng kanin ang kanyang plato pero kapirasong isda o karne ang ulam.
Kaso nga lang, meron din palang implikasyon sa kalusugan ang kanin lalo na ang puti. Nakakapagpataas ng alta presyon. Nakakataba. Masama sa may sakit na diabetes. Mas mainam pa raw ang brown rice na maraming taglay na sustansiya. Pero napakamahal ng brown rice kaya nga, batay na rin sa ipinapayo ng mga health expert, hinay-hinay lang sa pagkain ng kanin.
Kung ang ibang lahi dito sa ating planeta ay nagawang mabuhay nang walang kanin, pupuwede rin kaya ito sa mga Pilipino? Ang sabi naman sa akin ng isang kakilalang kababayan na nasa Amerika, hindi na rin ito problema sa kanila kahit wala sila sa Pilipinas dahil may nabibili na rin namang bigas o kanin sa kinaÂroroonan nilang dayuhang lugar.
Pero, dahil hindi naman mawawala sa sistema nating mga Pilipino ang kanin, hinay-hinay na lang sa pagkain nito. Mas makakabuti pa sa kalusugan. Nagkaroon nga ng isang survey na marami naman umanong naaaksayang kanin ang maraming Pilipino. Isa ring kainaman kung babawasan natin ang kinakain nating kanin ay baka bumaba ang presyo ng bigas. Kung kokonti ang pangangailangan, bababa ang halaga niya. Isang problema kasi, dahil kasama sa regular na sistema ng buhay natin ang kanin, hindi na natin gaanong inaalintana ang ilang problema dito tulad ng pataas nang pataas na presyo ng bigas. Ang maha-laga ay maÂÂkaraos sa maghapon. Pero makikinabang pa ang mahihirap nating mga kababayan kung bababa ang presyo nito. Baka nga malutas pa ang problema sa rice smuggling dahil nababawasan ang konsumo sa bigas.
- Latest