^

Punto Mo

Aso,sinuong ang tsunami upang makabalik sa amo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAHILIG sa pag-aalaga ng hayop ang mga Hapones kaya nang magkaroon ng tsunami sa Japan noong 2011, hindi mabilang na alagang hayop ang kinailangang iwanan ng kanilang mga amo nang umapaw ang tubig mula sa dagat.

Isa si Mr. Kamata sa mga Hapones na walang nagawa kundi iwanan ang alagang aso na si Shane dahil sa paparating na tsunami. Si Kamata ay taga Sendai City, Miyagi prefecture at trabaho niya ang magbigay babala sa kanyang mga kapitbahay  kapag may panganib ng tsunami sa kanilang lugar. Kaya noong mangyari ang matinding delubyo noong Marso 2011, dali-dali siyang nag-ikot sa mga bahay-bahay upang mabigyan ng babala ang lahat tungkol sa paparating na tsunami.

Matapos magampanan ang kanyang tungkulin, inisip ni Kamata na bumalik sa kanyang bahay upang kuhanin si Shane ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya ito nagawa dahil nilamon na ng tubig ang daan patungo sa kanyang tahanan. Walang nagawa si Kamata kundi lumikas sa isang evacuation center.

Lingid sa kanyang kaalaman, si Shane ay umalis din pala ng kanilang bahay. Marahil ay naramdaman nito ang panganib na dulot ng tsunami. Sinuong ni Shane ang sakuna at nilangoy ang tubig baha para mahanap si Kamata. Mas nakakamangha ang ipinamalas ni Shane dahil bukod sa nakuha niyang languyin ang rumaragasang tubig, nagawa rin niyang hanapin ang mismong evacuation center na tinutuluyan ng kanyang amo.

Nagtamo ng pasa at galos si Shane at kinailangang ala­gaan ng mga beterinaryo. Nang lubusang gumaling, ibinalik siya sa pangangalaga ni Kamata.

vuukle comment

HAPONES

ISA

KAMATA

KANYANG

KAYA

MR. KAMATA

SENDAI CITY

SHANE

SI KAMATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with