^

Punto Mo

Buwaya, umaakyat sa puno!

- Arnel Medina - Pang-masa

Payo ng mga scientist, kapag hinabol kayo ng buwaya, huwag kayong aakyat sa punongkahoy. Maaari kayong sundan ng buwaya sa itaas ng puno at doon lapangin.

Natuklasan kamakailan  ng mga scientist na ang mga buwaya ay may kakayahang umakyat sa puno at doon namamalagi. Nananatili umano sa mga sanga ang buwaya na walang ipinagkaiba sa mga ibon.

Ayon sa mga scientist, kayang-kaya ng buwaya na kumapit sa katawan ng puno at magpalipat-lipat sa mga sanga. Umano’y nakarara-ting sa taas na 32 feet ang buwaya.

Para mapatunayan ng mga scientist na nakaaakyat nga sa puno ang mga buwaya, nagsagawa sila ng imbestigasyon. Nagtungo ang team sa kagubatan ng Florida at Australia at nakita nila roon ang mga buwaya na nasa mga sanga ng puno.

Ayon pa sa pag-aaral, mas mabilis umakyat ang mga maliliit na buwaya sa puno. Sa Nile River sa Africa, karaniwan na lamang tanawin doon na ang mga buwaya ay nasa itaas ng puno. Sabi ng mga scientist, nakakatulong sa buwaya ang pag-akyat sa puno dahil nagre-regulate ito ng kanilang body temperature.

(www.unexplained-mysteries.com)

vuukle comment

AYON

BUWAYA

MAAARI

NAGTUNGO

NANANATILI

NATUKLASAN

PAYO

PUNO

SA NILE RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with