^

Punto Mo

‘May signal na’

- Tony Calvento - Pang-masa

“CHOPPY ka… choppy!” sabi ng mister sa kanyang misis ng minsang tumawag ito gamit ang iba’t ibang numero.

Ang mister ay si Rolando ‘Weng’ Arabit, 31 anyos ng Dela Paz, Pasig City. Ika-28 ng Enero 2014, bumalik sa aming tanggapan si Weng.

Pangamba  niya panay na ang tawag ng kanyang asawang si Evangeline ‘Evan’ Arabit, 31 taong gulang . Kasalukuyang Domestic Helper (DH) sa bansang Malaysia.

“Ang misis ko po iyak ng iyak, nagmamakaawa makauwi…” ani Weng.

Maalalang naitampok namin sa aming pitak sa PSNGAYON ang problemang kinakaharap ni Evan sa Malaysia. Pinamagatan namin itong, “Walang signal”.

Kinabahala ni Weng ang pagputol ng komunikasyon nila ni Evan at pagtawag nito sa kanya gamit ang iba’t-ibang numero na ‘choppy’ (putol-putol) naman ang linya. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa amin tanggapan.

Matapos maitampok si Weng sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).  Ini-‘email’ namin lahat ng impormasyon ni Evan  kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pamamagitan nito naiparating sa ating embahada sa Malaysia ang probelma ni Weng, para kanilang mapuntahan ang Pinay at alamin ang totoong kundisyon nito.

Agad namang nakipag-ugnayan si Usec. Seguis kay Charge d’ Affaires Dary Macaraig ng  Kuala Lumpur, Malaysia.

Patuloy na nakatanggap ng tawag at text messages si Weng mula sa misis . Kwento daw nito kay Evan dinala umano siya sa pulis dahil nahuli siyang nagpabili ng sim card.

Ang ilan sa mga texts nito kay Weng ay ang mga sumusunod:

January 27, 2014 --  +6017464****

                -- musta na love? bkit ayaw mong sagutin ang tawag q? subukan mo itong tawagan ang landline dto at ang # ko dto Malaysia 05-526*** at ang number q 017-464*** try mong tawagan yan. kailangan nating mag-usap. bukas tatawag ako kakausapin ko ang mga bata. kung alam mo lang ang hirap ng kalagayan ko dto. bumili ka ng IDD card tawagan mo aq bukas.

January 28, 2014 --  +6017464****

-- love ano na balita makakauwi ba ako? love ipadala nyo dto ang cellphone na maliit lang ha. ipa LBC nyo na para madaling dumating pati roaming na sim lagyan nyo na rin ng load pls. pag may pera ka try mong tawagan ako ha. try ko tumawag. love gawan mo ng paraan kahit pamasahe ko lang pls gustong gusto ko ng umuwi nahihirapan na ako dto.

January 28, 2014 --  +6017464****

--alam mo love nung December 23 dinala ako ng amo ko sa pulis station dahil lang sa sim card dto sa Malaysia kasi nakisuyo ako ng sim para makatawag sayo dahil wala akong pera. Nalaman ng amo ko. love lalaki ang pinakisuyuan ko dto na bilhan ako ng sim tas binigay nya number niya pero di ko tinapn ko sakto nalaman ng amo yun alam mo love kung alam mo lang ang hirap ko dto. pls tawagan nyo ako kahit sa landline. inaakusahan ako na hindi ko naman ginawa.

January 28, 2014 --  +6017464****

--love tinapon ko ang number nya. bago ko tinapon nalaman ng amo ko love kaya pati cellphone ko at sim na roaming ko kinuha. love nahihirapan na ako dito.

January 28, 2014 --  +6017464****

--tawagan nyo ako para malamn mo ang buong detalye kung bakit ako dinala ng amo ko sa pulis ang hirap na inaakusahan ka ng hindi mo naman ginawa! ang hirap love.

January 28, 2014 --  +6017464****

--kung alam mo lang love hindi ko alam kung paano ko didipensahan ang sarili ko dto. kung alam mo lang para akong bilanggo dto pag umaalis sila dto pag nasa school ang mga anak nila umaalis sila inaalarm nila ang bahay dito. ang hirap love.

Mabilis naming ipinarating kay Charge d’ Affaires Macaraig ang mga ‘texts messages’ ng Pinay.

Kinabukasan Ika-29 ng Enero 2014, nakatanggap kami ng sagot  mula kay Charge d’ Affaires Macaraig.

“Sir, Ms Arabit is a documented worker so I had POLO act on that.  Our ATN Officer (DFA) is also assisting POLO on that…”--- ayon sa email.

Pinatawag na ng POLO ang employer ni Evan matapos nga makarating sa kanila ang reklamo ng Pinay Worker. Hindi naman daw sumipot itong employer sa embahada kaya’t ipa-‘follow up’ nilang muli ito sa POLO.

 Dagdag pa ni Charge d’ Affaires Macaraig ang usaping ito ay natabunan  dahil sa kanilang kampanya laban sa mga iligal na banyaga.

Mula kasi ika-21 ng Enero patuloy ang pag-aaresto ng mga awtoridad ng Malaysia sa mga ‘illegal foreigners’.

 Sa kasalukuyan, wala pa namang opisyal na bilang ng mga nahuling Pinoy.

Titignan nilang muli ang kaso ni Evan at magbibigay ng karagdagang ulat.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, isa lang si Evan sa mga kababayan nating OFW’s na nakakaranas ng iba’t ibang problema sa bansang kanilang pinupuntahan.

Sa nangyayari dito kay Evan, dapat sana’y nakikipagtulungan ang kanyang ahensya sa pag-alam ng tunay niyang kalagayan dahil itong Pinay ay hawak nila at responsible sila sa kung anong nangyayari sa kanilang aplikante.

Hindi basta natatapos na lang sa pagpapaalis sa kanilang mga aplikante ang tungkulin ng isang agency. Kaya nga may mga ahensyang tulad nila ay para maprotekahan ang  ating mga Pinoy Workers sa ibang bansa.

Ano mang update ang marakating sa amin tungkol sa kaso ni Evan. Agad naming ibabalita sa inyo sa lalong madaling panahon.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes.

 

AFFAIRES MACARAIG

AKO

DTO

EVAN

LANG

LOVE

WENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with