^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala na namang pulis

Pang-masa

NAKABABAHALA na ang mga nangyayaring pagtaas ng krimen na ang may kagagawan ay riding-in-tandem. Wala na silang kinatatakutan ngayon. Kahit sa mataong kalsada o kaya’y maraming sasakyan, sumasalakay sila at tinitiyak na mapapatay ang target. Sigurado rin sila na walang anumang makakalusot at matatakasan ang ginawang krimen. Alam nilang madaling makatakas sapagkat walang pulis sa kalye. Walang hahabol sa kanila. Libreng-libre sila.

Pero kung ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatanungin sa mga krimen na kinasasangkutan ng riding-in-tandem, sinabi niyang bumaba ang mga kaso mula Enero ng taong binigyan niya ng kredito ang limang police districts ng Metro Manila dahil sa pagbaba ng krimen na ang may kagagawan ay ang riding-in-tandem.

Pero hindi tumutugma ang pagpuri ni NCRPO chief Director Carmelo Valmoria sa limang police districts sapagkat muling sumalakay noong Sabado at Linggo ang riding-in-tandem at ang masakit, isang pulis pa ang nabiktima. Noong Sabado ng hapon, pinagbabaril ng mga riding-in-tandem ang pamilya ni Minjiang Sy at Kim Sham Hong sa Andrew Avenue, Pasay City habang sakay ng kanilamg Hyundai van. Galing sila sa NAIA. Tinamaan sila sa ulo ang mag-asawa at malubhang nakaratay ngayon sa ospital. Hindi tinamaan ang dalawa nilang anak. Walang pulis sa nasabing lugar nang maganap ang pag-ambush.

Kinabukasan, tinambangan naman si PO2 Ali Botal sa Legaspi corner Aurora Street, Pasay City at napatay ito. Nakasakay sa motorsiklo si Butal kaangkas ang dalawang anak nang mangyari ang krimen. Nakaligtas ang kanyang mga anak. At muli wala na namang pulis sa lugar.

Hangga’t walang pulis na nakikita sa lansangan, magpapatuloy ang krimen na ginagawa ng riding-in-tandem. Malaya silang gagawa sapagkat walang hahabol sa kanila. Sana, magising ang PNP ukol sa mga nangyayaring ito. Police visibility ang solusyon dito.

 

ALI BOTAL

ANDREW AVENUE

AURORA STREET

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

KIM SHAM HONG

METRO MANILA

MINJIANG SY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NOONG SABADO

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with