Ang estudyanteng bagyo kay Army chief Coballes
MARAMI palang opisyal ng Philippine Army ang nasibak sa puwesto dahil sa isang estudyante ng Officer’s Candidate School (OCS) na malapit umano kay Army chief Lt. Gen. Noel Coballes. Hindi naman makapiyok ang mga natapong opisyal ng Army dahil alam nilang pader ang babanggain nila. Subalit kahit tumahimik ang Army officers, nagpakalat naman ng open-letter ang “supporters†nila sa hangaring makarating kay AFP chief Gen. Emmanuel Bautista ang problemang dulot ng “grave abuse of discretion ni Coballes na naging dahilan ng demoralization sa rank-and-file ng Army. Lumalabas kasi na pinapaboran ni Coballes ang estudyante, na anak ng isang Women’s Auxiliary Corps (WAC), na kasama ng una sa isang deployment sa abroad. Habang ang Estudyante kasi ay nasa schooling pa, halos lahat ng kapritso nito ang nasusunod at hindi ang umiiral na disiplina na itinuturo sa OCS, anang open letter. Ang estudyante ay mi-yembro ng OCS Class 42 at pag-graduate nila, tiyak ang buong klase ay hindi disiplinado tulad ng mga nauna sa kanila di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ang tinutukoy na estudyante na nagpapagulo sa OCS ay hindi pumasa sa Neuro exam at Refraction. Puwede itong ma-validate sa Army General Hospital, anang letter. Subalit dahil sa tawag mula sa opisina ni CGPA na-qualify ito sa OCS. Nagtataka ang Army officers kung bakit nakarating kay Coballes ang mga pagdisiplina nila sa Class 42 samantalang bawal ang gadgets sa Army school. Natuklasan nila na ang estudyante ay may cell phone at nagyayabang pa na ang lahat ng ‘‘pag-aapi’’ ng kanilang training officers ay makararating kay Coballes. Narinig pang nagwika ang estudyante sa kanyang mga kasamahan na‘‘Habang andito ako, hindi tayo magro-rot sa training.’’ Aba bagyo nga ang estudyanteng ito kay Coballes, di ba mga kosa? Mismo!
Sinabi sa open letter na nagkaroon ng tradisyunal na pagtitipon ang Battalion Staff ng Class 40, 41 at 42 sa APMC, PA headquarters sa Fort Bonifacio noong nakaraang taon. Taunan itong ginagawa para bigyan ng ‘‘insights’’ o ‘‘bird’s eye view’’ang mga papasok na estudyante sa OCS. Si Marcelino Bulusan ang First Capt. ng Class 40 ay nagsalita at nagbigay ng pangaral sa incoming class subalit hindi nakikinig ang bida natin at ang katabi nito. Nang punahin ang dalawa ni Bulusan, aba maya-maya dumating ang ‘‘official vehicle’’ ni Coballes na ang sakay ay ang aide nito. Pinik-up si Bulusan at ang battalion staff at pagdating sa opisina ni Coballes ay kinuwestiyon ang presence nila sa billeting ng Class 42 at kung bakit hina-harass nila ang mga ito. Hehehe! Ang bilis ng action ni Coballes, ano mga kosa? Sa ambush kaya ng NPA sa Army troopers natin, ganundin siya kabilis umaksiyon? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Nang makasingit si Bulusan, nangatwiran siya na ‘‘under instruction’’ lamang sila ni Maj. Obena, ang chief procurement branch ng APMC na mangaral sa incoming class at may basbas ito ni Col. Datuin, ang hepe ng APMC. Kinabukasan relieve kaagad sina Datuin at Obena. Si Obena ay nalagay pa sa isang posisyon na kumbaga ay masasabing isang ‘‘demotion’’ sa rank at kalidad n’ya. Hehehe! Ang tanong sa ngayon, kasama ba sa Army Transformation Program ang nangyayari sa OCS? At ano ang role ng OCS alumni sa sigalot na ito? Abangan!
- Latest