Uok (48)
NAG-IISIP si Drew at hindi makapagpasya kung ide-delete ang mga kuha kay Gab sa kanyang iPhone nang biglang may incoming call sa kanya. Si Tiyo Iluminado! Bakit kaya tumawag?
“Hello, Tiyo Iluminado?â€
“Hello Drew. Pasensiya ka na, natutulog ka naba?â€
“Hindi pa po. Ba’t ka po natawag, Tiyo?â€
“Wala naman. Mangungumusta lang ako. At saka bago itong cell phone ko, tinetesting ko, he-he!â€
“Kumusta ka po? Si Tiya Encarnacion po? Kumusta kayong dalawa?â€
“Mabuti naman. Ikaw, Drew, kumusta? Ang Daddy mo?â€
“Okey naman po.â€
“Siyanga pala, iniingatan mo ba ang kuwintas?â€
“Naibigay ko na po sa may-ari, Tiyo.â€
“May-ari? Sinong may-ari?â€
“Yung anak po ni Uok.â€
“Teka, naguguluhan ako. Anak ni Uok?â€
“Opo. Yung babaing nagbabakasyon diyan ay anak ni Uok at sa kanya ang kuwintas, Tiyo. Ang pangaÂlan po ng anak ni Uok ay si Gab.’’
“Paano mo nalaman?â€
Ikinuwento ni Drew. Lahat ay sinabi kay Tiyo Ilu-minado. Pati na ang pagpunta ni Gab. Nakilala na rin ito ng daddy niya.
“Ibang klase ka, Drew.â€
“Masyado po akong naging interesado kay Gab.â€
“Naku e baka ang kasunod niyan ay ligawan mo na. Masamang tao ang ama niya --- si Uok. Kaya lang kung siya ang gusto mo e wala akong magagawa.â€
“Gusto ko munang makilala kung sino si Uok, Tiyo. Parang may misteryo ang buhay niya.â€
“Sige imbestigahan mo. Ireport mo sa akin.’’
“Opo. Tiyo.’’
“Kailan ka ba pupunta rito, Drew?â€
“Sa summer na po.â€
“Sige, hihintayin kita.’’
Natapos ang usapan nila.
ISANG araw, naisipan ni Drew na tawagan si Gab.
“Gab, puwedeng magkita tayo.â€
Nagulat si Gab.
“Hindi puwede Drew. Binabantayan ko si Daddy.’’
(Itutuloy)
- Latest