Ang pako sa puwit ng aso
BAGONG lipat sa isang subdivision ang isang lalaki. Tahimik ang paligid, maliban lang sa isang problema, ang aso ng kanyang kapitbahay. Mahilig umalulong ang aso araw at gabi. Titigil lang ito sandali, siguro kapag kumakain ito. Marahil kapag tapos nang kumain, muli itong aalulong nang walang puknat. Hindi na nakatiis ang lalaki at pinuntahan nito ang kapitbahay upang alamin ang dahilan nang walang puknat na pag-alulong ng aso.
Tinanong ng lalaki ang may-ari ng aso kung bakit ang alaga niya ay non-stop ang pag-alulong. Ipinakita ng amo ang dahilan: May nakausling pako (yung side na matulis) sa upuan ng aso. Umaalulong siya dahil nasusundot ng pako ang puwet ng aso. “Bakit hindi siya umalis sa pagkakaupo sa pako?â€, tanong ng lalaki.
Ewan ko ba sa asong ‘yan kung bakit balik pa rin nang balik sa upuang may pako, sagot ng may-ari ng aso.
Lahat tayo ay may nakausling pako sa ating kinauupuan. Ang pako ay mga reklamo natin sa buhay na nagdudulot sa atin ng ma-bigat na pakiramdam. Pako sa trabaho. Hindi tayo nakakadama ng saya sa trabaho dahil mataray ang boss, hindi napo-promote kahit mahusay at masipag. Pako sa pakikipagrelasyon. May syota nga pero hindi ka naman siniseryoso. Financial nails. Hindi magkasya ang suweldo sa gastusin sa pamilya. Pako sa mga pangarap. Laging may hadlang para maisakatuparan ang pangarap. Marami pang pako: Pako sa kalusugan; pako sa pakikipagkaibigan, pako sa pamilya, walang katapusang pako.
Dahil sa maraming “pako†na sumusundot sa ating puwit, wala tayong tigil sa karereklamo. Kahalintulad ng asong walang tigil sa kanyang pag-alulong samantalang puwede naman itong umalis sa kanyang kinauupuan. Marami tayong reklamo sa buhay pero ang tanong, may ginawa ka ba upang matanggal ang mga pakong ito? O, naghanap ka na ba ng bagong upuan na walang nakausling pako? Remember, hindi uunlad ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng “pag-alulong†lamang.
- Latest