^

Punto Mo

Lahat nang paraan, subukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi natitinag, hindi naaawat at patuloy sa pagsalakay ang mga riding in tandem na kriminal partikular nga sa Metro Manila.

Ibat-ibang paraan na ang naiisip at ipinanunukala, pero talagang walang takot ang mga masasamang loob na ito na ang gamit ay motorsiklo.

Sa Maynila, hindi nga ba’t balak na ipatupad ang pagbaba-wal sa mga nakamotorsiklo na may angkas,  pati ang speed o bilis ng kanilang pagpapatakbo ay bibigyan na rin ng limitasyon.

Sa lungsod Quezon naman, igigiit ng Quezon City police na ilagay sa mga suot na vest ng mga rider o tandem ang plaka ng kanilang motorsiklo para madaling makita.

Ang ganitong mga pag-aksyon ay nagpapakita lamang na talamak na talaga ang operasyon ng mga kawatang tandem.

May ilan naman na isinisisi ang pagdami ng kasong kinasasangkutan ng tandem ay dahil sa kawalan ng plaka ng LTO sa mga sasakyan partikular sa napakaraming mga motorsiklo lalu na sa Metro Manila.

Bukod sa napakadaling magkaroon o makapagmay-ari ng motorsiklo sa kasalukuyan,  napakadali din ng term nang pagbabayad na inaalok ng mga dealer kaya ang nangyayari kuha nang kuha kung saan natatambak naman sa lansangan ang mga walang plaka na madalas eh siyang gamit ng mga kawatan o kriminal.

Sa halagang P3,500 ay magkakaroon ka na ng motorsiklo.

Kapag wala pa kasing plaka eh sino ang hahabulin sakaling gamitin ito sa krimen. Talagang magiging blangko ang imbestigasyon, idinagdag pang ang mga helmet sa atin ay yaon talagang kulong na kulong ang mukha na talagang kapag suot hindi mo makikilala kahit pa makuhanan yan ng CCTV kung ano ang itsura.

Dahil naman sa ganitong mga aksyon, kaya may pagpalag naman sa panig ng ilang grupo na nagsasabing hindi ang ganyang mga pagaksyon ang sagot para maibsan ang operasyon na tandem.

Gayunman, wala namang masama kung subukang lahat ng paraan na baka makatulong kahit papaano para kung hindi man tuluyang masupil ang mga tandem na kriminal eh mabawasan man lang ang kanilang operasyon.

 

BUKOD

DAHIL

GAYUNMAN

IBAT

KAPAG

METRO MANILA

QUEZON CITY

SA MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with