Gulong ng Buhay
ANG aking kakilala ay naging staff writer ng isang dating sikat na magasin. Ang sistema sa magasin na iyon, bukod sa regular na suweldo, may ekstrang bayad ka kung may sinulat kang artikulo o kuwento. Ang ekstrang bayad sa sinulat ay hiwalay na sinisingil at hindi isinasama sa suweldo. Unang gagawin ay ipapa-approve ang artikulo sa editor-in-chief. Pagkatapos papirmahan ang typewritten article ng editor, ito ay dadalhin sa treasurer para papirmahan ulit. Tapos ipapakita ang pirmadong artikulo sa cashier para kunin ang bayad bago pa man ito malathala. Tatlong tao ang kailangang pumirma bago makuha ang kakapiranggot na bayad sa iyong obra.
Walang limit ang dami ng gusto mong sulatin. Siyempre, gusto ng aking kakilala na kumita ng ekstra, dinadaan niya sa sipag ang lahat. Ngunit may lihim palang naiinggit sa aking kakilala. Hindi niya alam kung paano siya siniraan pero isang araw ay ipinatawag siya ng treasurer at kinukuwestiyon ang mga nasingil niyang bayad para sa kanyang mga sinulat. Bakit daw ang dami?
Sir, masipag po akong magsulat kaya marami akong siningil sa inyo.
Hindi nag-prosper ang intriga sa “singil isyuâ€, kaya binutasan naman siya sa office supplies kagaya ng sobrang paggamit ng bond paper, ribbon ng typewriter at bala ng stapler. Depensa ng aking kakilala:
Siyempre marami akong sinusulat, marami akong nagagamit na bond paper.
Naging masikip na ang mundo ng aking kakilala sa kanilang opisina kaya isang araw ay nagpasiya siyang mag-resign. Sa panahon na inuulan siya ng intriga, ni minsan ay hindi siya ipinagtanggol ng kanyang editor-in-chief na unang nakakaalam kung ano talaga ang katotohanan tungkol sa “singil isyuâ€. Pinabayaan lang nitong marderin ng mga tao ang reputasyon ng aking kakilala. Nagtatrabaho na siya sa ibang kompanya nang may nagtsika sa kanya na nagbitaw daw ang kanyang dating editor-in-chief ng ganitong pananalita: “Pinahiya ako ng aking bata sa mga bossingâ€.
Plano sana niyang puntahan ang editor-in-chief at gusto niyang itanong kung saan at paano niya ipinahiya ito sa mga big boss. Pero pinigil siya ng kanyang pamilya. Gulo pa raw iyon.
Kasalukuyan. Nabangkarote ang magasin. Ang mga manunulat, journa-list man o creative writer ay sa diyaryo nagsisiksikan. Sa diyaryo ngayon nagtatrabaho ang aking kakilala. May kaopisina siya na kakilala ng dati niyang editor-in-chief. Ipinapakuha raw nito ang cell phone number ng aking kakilala. Baaakeet? Utot niya…
- Latest