10 Boksingerong Sumikat… Yumaman
…at muling bumalik sa paghihirap:
Thomas Hearns
Record and Accolades : 61-5-1 (48 KOs); Held eight world titles in six different divisions Estimated Career Earnings: $40 million
Hindi pa “ipinapanganak ng boksing†ang pangalang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, si Thomas Hearns lang ang tanging boksingero na winner sa world titles ng iba’t ibang weight classes. Biglang sumikat si Barkley nang mapatumba niya si Hearns sa loob ng ring. Malaking accomplishment na mapatumba si Hearns dahil nang panahong iyon ay hawak niya ang 8 world titles sa six divisions.
Pero noong 2010 ay isang mala-tsunami na suntok ang tumama sa kapalaran ni Hearns. Napilitan siyang magbenta ng ari-arian upang mabayaran ang mala-bundok niyang utang sa tax na nagkakahalaga ng $250,000. Inamin niyang naubos ang kanyang pera sa pagtulong sa kanyang pamilya at mga kamag-anak. Magka-ganoon pa man, ang pagtulong sa mga kamag-anak ay hindi niya pinagsisihan.
Ipinanganak noong 1958, nagsimula sa boksing noong 1977 at nagtapos ang career noong 2006. Idineklara siyang Ring Magazine fighter of the year noong 1980 at 1984. Ang kanyang laban na hindi makakalimutan ng fans ay noong nakalaban niya sina Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler at Roberto Durán.
Utang sa tax ang laging nagiging problema ng mga boksi-ngero. Ibig sabihin, kahit kailan ay walang mambabatas sa US na nagpanukala na maging exempted sa buwis ang mga boksingero. Iyon ay dahil wala silang nakikitang dahilan. Di ba’t ‘yung isang boksingero, si Joe Louis, na naging bayani na sa ring, naging bayani pa rin sa World War II ay hindi naging exempted sa tax? Kaya doon sa panukala na dapat ay ma-exempted sa tax si Manny Pacquiao…ito lang ang masasabi ko: Mga sir, mga mambabatas, puwede po bang mag-isip kayo ng batas na ang makikinabang ay mas mara-ming Pilipino at hindi ang makikinabang ay iisang tao lang? Bayani rin ako sa mata ng readers. Dahil sa akin, may isa silang topic na nababasa tuwing umaga. Pero okey lang na magbayad ako ng buwis dahil iyon ay aking responsibilidad bilang isang Pilipino.
- Latest