^

Punto Mo

‘Baril at paputok’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALA pa ring kadala-dala ang mga nagpapaputok ng baril at iba’t ibang uri ng pyrotechnics.

Bagamat kabahagi na ng tradisyon ang pagpapaputok bago at habang sinasalubong ang bagong taon, mali pa rin ito na gawing basehan ng kasiyahan at pagdiriwang.

Taun-taon, laging mayroong mga nabibiktima sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mas marami ang mga walang kamalay-malay na nadadamay sa insidente.

Nitong mga nakaraang araw, nakapagtala ang mga awtoridad ng mga nabiktima ng paputok at ligaw na bala. Inaasahang tataas pa ang mga ito ngayong magpapalit na ang taon.

Noong nakaraang pagdiriwang ng bagong taon, tumatak sa publiko ang nangyaring insidente sa Caloocan City matapos matamaan ng ligaw na  bala ang isang pitong taong gulang na batang babae.

Nanonood si Stephanie Nicole Ella ng fireworks display sa labas ng bahay nang matamaan ng ligaw na bala.

Isang taon na ang nakalilipas, hindi pa rin napapanagot ang iresponsableng may gawa ng krimen.

Isa lang ang punto rito ng BITAG. Sa mga residente, iwasan nang lumabas at makipagsapalaran sa mga ligaw na bala at paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak. Huwag silang hahayaang dumampot ng mga unexploded firecrackers o mga hindi pa pumuputok.

Bagamat naglabas na ng kautusan ang mga awtoridad hinggil sa indiscriminate firing o walang habas na pagpapaputok ng baril, asahan ng marami pa rin ang mga susuway at magyayabang.

Kapag may nabiktima at namatay na dahil sa kanilang kayabangan, saka lang sila matututo at matatauhan.

Kapag ang isang buhay ay nalagas na, saka lang sila mahihimasmasan at manghihinayang. Hindi na lang sila ang tamaan ng kamalasan. Tsk-tsk!

Mag-ingat!

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

HUWAG

INAASAHANG

ISA

ISANG

KAPAG

NANONOOD

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with