^

Punto Mo

Mam Lucy (2)

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG main base ng operation pala ni Lucy Santos, ang sakla queen ng Northern Metro Manila, ay sa Barangay Langaray sa Navotas. Dito sa two-storey building ni Lucy sa Bgy. Langaray nire-remit ang kita ng mga personnel niya sa sakla sa Caloocan City at Quezon City. Kaya kung seryoso itong si Navotas Rep. Toby Tiangco na pahintuin talaga ang ilegal na negosyo ni Lucy, wala na siyang dapat gawin pa kundi ipa-raid itong kuta ni Lucy, di ba mga kosa? Itanong lang ni Tiangco sa intelligence chief ng pulisya ng Navotas ang puwesto ni Lucy at tiyak makumpirma niya ang ibinulgar ng mga kosa ko. Kapag negatibo ang sagot ng intel chief ng Navotas, tiyak nagsisinungaling si Tiangco Sir at dapat ipasibak mo siya dahil hindi sa ‘yo ang loyalty niya kundi sa kinang ng pera ni Lucy, di ba mga kosa? Mismo!

Noon pa man ay pinalayas na ni Tiangco ang sakla-patay ni Lucy sa Navotas dahil kontra-partido s’ya. Kaya ang ginawa ni Lucy, lumipat siya sa Caloocan City dahil mabango siya kay dating Mayor Recom Echiverri. Subalit sa kasamaang palad, si Echiverri ay 3rd termer na kaya ang anak nito ang tumakbo para palitan siya at nakabangga naman si incumbent Mayor Oca Malapitan. Dahil kasama niya sa Kongreso si Malapitan, nilapitan ni Tiangco ito para perhuwisyuhin ang namamayagpag na sakla-patay ni Lucy. Get’s n’yo mga kosa?

Dahil ayaw mawala ni Lucy sa sirkulasyon ng sakla, naisipan nito na ilubog ang sarili para hindi mapag-initan ni Malapitan ang ilegal n’yang negosyo. Para linlangin si Malapitan, ginamit ni Lucy si alyas Poleng para tuloy-tuloy ang tulo ng pitsa sa bulsa niya. Ayon sa mga kosa ko sa Caloocan, nagsosyo sina Lucy at Poleng sa sakla-patay sa siyudad ni Malapitan at pumatok naman ang tandem nila. Kung sabagay, hindi naman lahat ng barangay sa Caloocan City ay nasilaw sa kumikinang na pitsa ng tandem na Lucy at Poleng. Mayroon pang mga barangay chairman, lalo na yaong bagong upo, na ayaw magpauto sa kanila. Sinabi ng mga kosa ko na wala namang puwesto-piho sina Lucy at Poleng dahil puro sakla-patay lang ang latag nila. At itong si alyas Marlyn ang tagahanap nila ng puwesto. Hehehe! Mahuhubaran ko rin paunti-unti ang tandem nina Lucy at Poleng, di ba mga kosa? Mismo!

At dahil nasaltik ko ang ilegal na negosyo ni Lucy nitong nakaraang linggo, aba gumimik na naman sila ni Poleng. Sinabi ng mga kosa ko na ang putok sa ngayon sa Caloocan City ay bumitaw na si Lucy sa sosyo nila ni Poleng. Kaya ang mga sakla-patay sa siyudad ni Malapitan ay kay Poleng na lang. Subalit malaki ang paniniwala ng mga kosa ko na gimik na naman ito ni Lucy para lalong ilubog ang sarili at hindi na siya hahabulin ni Tiangco at Mayor Malapitan. Sa totoo lang, nag-Christmas party pa ang mga personnel nina Lucy at Poleng sa Bgy. Langaray noong Dec. 22. Kung patuloy daw na ginagamit ni Poleng ang gusali ni Lucy ‘yan ay dahil sa nagrerenta siya rito. Kahit anong drama pa ang ikakasa ni Lucy ay walang naniniwala sa kanya sa mga kosa ko sa Caloocan. Saan n’ya kukunin ang pangtustos n’ya sa sugal sa casino kung tuluyan n’yang lisanin ang sakla n’ya na negosyo, yan ang tanong ng mga kosa ko. Ayos ba Mr. Danny de Belen? Abangan!

vuukle comment

CALOOCAN CITY

KOSA

LUCY

MALAPITAN

NAVOTAS

POLENG

SAKLA

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with