^

Punto Mo

Uok (12)

Ronnie M. Halos - Banat

KUNG hindi siya tinawag ni Tiyo Iluminado ay baka nakita ni Drew kung paano pinunasan ng babae ng tuwalya ang basang katawan. Nakita rin sana niya kung paano nagsuot ng panty ang babae. O baka naman nagtapi lang ng tuwalya at sa loob na ng bahay magpa-panty. Kung bakit naman kasi bigla siyang tinawag ni Tiyo Iluminado. Napabuntunghininga sa panghihinayang si Drew. Pero hindi bale, bukas ay aabangan uli niya ang paliligo ng babae. At meron din siyang biglang naisip. Kukunan niya ng retrato ang babae sa pamamagitan ng cell phone.

Bigla na namang tumawag si Tiyo Iluminado, â€˜â€˜Drew, labas na at lalamig ang sina-ngag at adobong labuyo.’’

“Opo!”

Lumabas si Drew.

“Ang tagal mo namang lumabas. Malamig na ang sinangag.’’

‘‘Masakit kasi ang ulo ko Tiyo.’’

‘‘Sige kain na tayo.’’

‘‘Si Tiya Encarnacion po?’’

‘‘Nasa bayan, bumibili ng uulamin natin. Nagsasawa na raw siya sa manok at tilapia na ipakain sa’yo kaya maghahanap sa bayan.’’

‘‘Kahit naman ano ang ulam puwede ako Tiyo.’’

“Tulad ka sa father mo, hindi pihikan.’’

Pinagmasdan ni Drew ang ulam na nasa harapan.

‘‘Ano po ito, Tiyo?’’

‘‘Adobong labuyo ‘yan. Ina­dobo ko sa gata. Yan ang pinaka-masarap na manok. Hindi malansa at napaka-juicy ng laman. Nahuli ko ‘yan kaninang madaling araw.’’

Kumutsara si Drew ng laman ng labuyo. Isinubo.

‘‘Ang sarap nga Tiyo. Malambot at juicy.’’

“Sabi ko na sa’yo eh.’’

Kumain na si Drew. Tamang-tama ang bagong saing na kanin sa adobong labuyo. Sunod-sunod ang ginawang pagsubo. Pagkatapos sumubo ay may itinanong kay Tiyo.

“Sabi mo kahapon, maraming sinirang tahanan si Uok. Dito sa barangay na ito marami siyang sinira?’’

‘‘Oo. Kaya nga hindi makauwi-uwi rito e dahil marami siyang atraso. Maraming babaing may-asawa ang kinana niya rito. Karamihan ay nasa Saudi ang asawa. Matinik sa chicks si Uok. Minsan, nahuli sila ng asawa. Umuwing bigla ang lala­ki mula sa Jeddah. Naabot na “nag-aanuhan” sa kuwarto. Mabuti at nakatakbo si Uok kundi ay napatay siya ng mister. Minsan naman, isang batambatang misis ang pinakialaman, seaman ang asawa, muntik na ring abutan…’’

“Matindi pala si Uok.’’

“Matindi talaga.”

(Itutuloy)

ADOBONG

DREW

MATINDI

MINSAN

SABI

SI TIYA ENCARNACION

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with