‘Libong mga tao inaaruga ng PCSO’
ANG ama ang haligi, ang ina ang ilaw at ang mga anak ang nagiging pundasyon para magkaroon ng isang matibay na tahanan. Kapag natibag ang haligi, napundi ang ilaw at humina ang pundasyon… unti-unting mapipilay ang bahay at tuluyang bibigay. Ganito kahirap mawalan ng isang miyembro ng pamilya kaya’t ganun na lang tulungan ng programa sa radyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “PUSONG PINOY†hosted by: Atty. Jose Ferdinand Rojas o “Atty. Joy†with Monique Cristobal ang mga lumalapit sa programa para sa ikagagaling ng kanilang kapamilya.
Isa na dito si Darwin Canapi ng Makati City. Mahirap para kay Darwin na tanggapin nung una ang pagkamatay ng amang si Dominggo Canapi, 71 taong gulang. Isang Retired Laboratory Technician. Nagkaroon ng Liver Cancer si Dominggo at ‘internal failures’ ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Unang linggo ng Nobyembre 2013, napansin nilang naninilaw ang balat ng ama. Bigla ring bumaba ang timbang nito. Agad na diagnose na may Liver Cancer si Dominggo. Bisyo tulad ng alak at sigarilyo ang tinuturong dahilan kung bakit nagkaroon siya ng ganitong sakit. Ayon kay Darwin, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo kung uminom ng alak ang ama. Taong 2011, ng bigla na lang itong huminto sa paninigarilyo at pag-inom.
“Siguro may naramdaman na rin siya sa katawan niya kaya’t bigla siyang tumigil,†sabi ni Darwin. Tatlong linggo nanatili sa ospital si Dominggo. Binigyan siya ng gamot subalit ‘di na bumuti ang kanyang lagay. Sumailalim siya sa iba pang laboratoryo. “Late na daw masyado nung ma-diagnose ang tatay,†sabi ni Darwin. Kalat na ang kanser at nagkaroon na ng mga butlig-butlig at tubig ang kanyang atay. Nagkaroon na rin ng tubig ang kanyang baga. Ika- 18 ng Nobyembre, namatay si Dominggo. Sa kasalukuyan, inilalapit ni Darwin ang naiwang bills sa ospital. “Huminhingi po kami ng tulong para maayos ang utang namin sa ospital. Ano mang halaga ng tulong na maibibigay ninyo ay malaking bagay na para sa amin,†hiling ni Darwin.
Inilalapit naman ni Christine Mencias, ng Quezon City ang pagpapagamot sa ama na si Eduardo Mencias, 80 years old--- isang Retired Government Employee. Kinakailangan sumailalim ni Eduardo sa radiation therapy matapos ma-diagnose na merong Cancer Sarcoma (malaking tumor sa binti). Oktubre 2013, ng mapansin nila ang paglaki ng bukol sa binti ng ama, bandang singit. “Ilang buwang masakit ang binti niya… hindi daw siya komportable. Akala namin simpleng kulani lang nung una… Hindi na namin napatingin sa doktor,†ani Christine. Mabilis ang naging paglaki ng bukol kaya’t pinatingin na nila sa ospital ang ama dito nalamang meron na siyang Cancer Sarcoma. Kasalukuyang nasa bahay si Eduardo (outpatient) subalit kailangan pa rin niyang sumailalim sa radiation therapy, 35 sessions. “Sana matulungan niyo ang tatay ko… 80 years old na po siya, sana mabigyan niyo siya ng pag-asa na gumaling,†wika ng anak.
Hinihingi rin ng tulong ng isang anak na si Maria. Christina Panoncillo ang pagpapa-‘radioactive theraphy’ na gagawin sa kanyang inang si Victoria Deferia, 63 taong gulang. Taong 2010, nang maoperahan si. Victoria sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) matapos lumaki ang kanyang ‘thyroid’ (goiter). Edad 45 anyos pa lang si Victoria tumubo ang goiter niya. Labing dalawang taong din niyang dala ito hanggang tuluyang lumaki 12 taong makalipas. “Nagpapatingin naman namin siya sa ospital… nitong 2007 biglaan na lang lumaki…kaya inoperahan siya nung 2010,†kwento ni Christine. Taong 2013, napansin nilang may tumubong bukol sa kanyang kaliwang hita. “Sabi ng doktor kumalat ang kanser at lumipat sa hita niya. Hindi kasi siya sumailalim sa radio-active therapy nung una…†ayon kay Christine. Sa ngayon kailangang sumailalim ni Victoria sa radioactive therapy at uminom ng Zoledronic acid (Zometa) kada 21 araw na nagkakahalaga ng Php19,000. Napa-painkiller, tramodol si Victoria kada walong oras sa sobrang sakit ng bukol. “Minsan nakakaya niya pero may pagkakataong sobrang sakit talaga… sana matulungan niyo kami sa mga gastusin namin sa ospital,†panawagan ni Christine.
Si Theresita Co ay lumapit din sa “PUSONG PINOY†para sa nakababatang kapatid na si Nelly Dela Cruz, 62 years old, hiwalay sa asawa. Tatlong beses namang dina-dialysis. Agosto kasalukuyang taon ng ma-ospital si Nelly. Namanas ang buong katawan nito at nahirapan sa paghinga. Nalamang may ‘kidneys failure’ siya. Diabetes ang dahilan ng pagkasira ng kidneys ni Nelly. “Nadamage na rin ang kidneys niya kakainom ng maintenance medicine sa diabetes sa loob ng 20 taon, †ani Theresita. Sa ngayong munting tindahan ng mga gamit sa bata ang pinagkakakitaan ni Theresita hiling niya matulungan ang kapatid na madialysis. “Sana isa si Nelly sa matulungan niyo sa pagpapa-dialysis dahil ito po’y tuloy-tuloy na gamutan hanggang siya’y sumailalim sa Kidney Transplant,†pahayag ni Theresita.
Ilan lang sila Aling Theresita sa mga lumalapit sa “PUSONG PINOY†para sa kanilang kapamilyang may karamdaman.
“Ang tao habang may buhay may awa ang Diyos kaya’t huwag tayong tumigil ng pananalangin sa kanya. Dahil lahat ng medisina at mga manggagamot kapag sinabing ‘di na nila kaya…pagdating sa ating Panginoon walang imposibleng paÂgalingin,†wika ni Atty. Joy.
Mapapakinggan ang kabuuan ng pakikipanayam namin kina Theresita at iba pang pasyenteng lumapit sa PCSO sa programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga, sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND. Sa mga gustong lumapit sa “PUSONG PINOY†para sa inyong medical needs magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Lunes-Biyernes. Magdala kayo ng kopya ng inyong updated medical abstract. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Maari din kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-BiyernesÂ.
- Latest