EDITORYAL - Kahit sino ay may baril, kakatakot!
N AKAKATAKOT na ang mga nangyayari sa kasalukuyan na kapag mayroong nakatalo, nakatinginan o nakagitgitan sa kalsada ay magreresulta sa pamamaril. Parang bumabalik sa panahon na ang lahat ng tao ay may dalang baril at sa maliit na dahilan ay magbabarilan na at nagpapatayan. Lahat ay malaÂlakas ang loob sapagkat may dala palang baril at kapag may nakaaway mamamaril na.
Karaniwang nangyayari ang pamamaril kapag nag-away dahil sa trapiko. Gaya ng dalawang pangyayari sa Quezon City kamakailan kung saan ang mga suspect ay walang awang namaril at ang kanilang nabiktima ay mga kawawang bata.
Sa unang pangyayari, sinita ng isang motorista ang kapwa motorista dahil sa nakasisilaw na ilaw ng saÂsakyan nito. Sinabihan umano na masyadong maliwanag ang ilaw ng minamanehong SUV. Sagot ng drayber ng SUV, “E ano ngayon?†Para makaiwas sa gulo, umalis na lamang ang motoristang sumita subalit hindi pa sila nakakalayo, tatlong putok mula sa hulihan ang narinig. At nalaman ng motorista na tinamaan pala ang kanyang anak na nasa likurang upuan. Dinala ng ama ang anak sa ospital at batay sa pagsusuri, napinsala ang kidney at liver nito dahil sa tama ng bala.
Nakunan ng CCTV ang puting SUV subalit hindi pa nahuhuli hanggang sa kasalukuyan.
Ang ikalawang pangyayari ay naganap sa Sangandaan, Quezon City kung saan isang lalaki ang namaril matapos masagi ng isang traysikel. Binunot ng suspect na nakilalang si Jayson Bitago ang kanyang cal. 45 pistol at binaril ang drayber ng traysikel. Nakailag ang drayber at tumama ang bala sa 17-anyos na babaing pasahero ng traysikel. Nasa kritikal na kalagayan ang babae. Naaresto naman ang suspect ng isang pulis.
Nakakatakot na ang nangyayari na lahat na yata ng tao ay mayroong sukbit na baril. Kahit na karaniwang taong naglalakad sa kalye ay mayroong cal. 45.
Ang dalawang pangyayaring ay malaking hamon sa Philippine National Police (PNP) para paigtingin ang kampanya sa loose firearms. Magsagawa ng checkpoint sa mga lugar na pinagsususpetsahang pugad ng mga criminal. Higpitan ang pagdadala ng baril kahit pa may permit ito. Kapag hindi napigilan ang pagdadala ng baril, magdudulot ito ng karahasan at kawawa ang mamamayan.
- Latest