^

Punto Mo

Pinaka-matangkad na aso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Zeus, isang 44-inch-tall Great Dane mula sa Michigan, ang idineklarang pinaka-matangkad na aso sa buong mundo.

Ayon sa 2013 edition ng Guinness Book of World Records, nalampasan ni Zeus ang pre­vious record ni Giant George isa ring Great Dane na may taas ng 43 pulgada.

Ayon sa owner ni Zeus na si Denise Doorlag, tatlong taong gulang na ang kanyang alaga at tumitimbang ng 155 pounds. Kumukunsumo si Zeus ng 30 pound bag ng dog food sa loob ng dalawang linggo.

Isinasakay umano niya si Zeus sa van kapag ipinapasyal sa malayong lugar. (www.oddee.com)

 

*  *   *

Pinaka-mahabang pusa

 

KUNG si Zeus ang pinaka-matangkad na aso, si Stewie naman na nagmula sa Michigan ang pinaka-mahabang pusa sa mundo. May sukat na 48.5-inches si Stewie. Bukod sa pinaka-mahabang pusa, siya rin ang itinuturing na may pinaka-mahabang buntot sa lahat ng mga pusa. Nagmula sa lahing Maine Coon si Stewie.

Pero ang malungkot na balita, namatay kamakailan sa cancer si Stewie. Ayon sa owner na si Robin Hendrickson, walong taong gulang si Stewie. Noong 2010, siya ang dineklara ng Guinness Book of World Record na pinaka-mahabang pusa. Naagaw niya ang titulo kay Leo, isang 48-inch Maine Coon cat mula sa Chicago. Hanggang ngayon wala pang nakaagaw kay Stewie sa record na pinaka-mahabang pusa.

Kilalang-kilala ng mga local senior citizen sa Michigan si Stewie sapagkat madalas itong dumalaw sa mga senior center doon. Isang certified therapy animal si Stewie. Nalungkot ang mga matatanda sa pagpanaw ni Stewie. (www.oddee.com)

vuukle comment

AYON

DENISE DOORLAG

GIANT GEORGE

GREAT DANE

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORD

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

MAINE COON

PINAKA

ROBIN HENDRICKSON

STEWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with