^

Punto Mo

Lampong (486)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINABIHAN ni Dick ang asawang si Jinky. Nalanghap ni Dick ang bango ng asawa. Sariwang-sariwa ang samyo. Bagong paligo yata si Jinky. Sabagay, bago matulog ay nagsa-shower si Jinky.

Nang nasa tabi na ni Jinky ay pinagmasdan muli niya ang asawa. Napakaganda talaga ni Jinky. Walang kupas ang ganda kahit mayroon na silang anak. Parang dalagang-dalaga pa si Jinky.

‘‘Ang ganda mo Jinky!’’ sabi niya.

Pero walang sagot si Jinky.

Inulit niya ang sinabi. Pero walang sagot si Jinky? Tiningnan niya ito. Tulog na yata ang asawa.

‘‘Jinky?’’

Walang sagot. Tulog nga! Ang akala niya ay basta nakahiga lang at hinihintay siya. Siguro ay nakatulog dahil sa paghihintay sa kanya.

Hanggang sa may maisipan si Dick. Puwede naman niyang paligayahin si Jinky kahit na natutulog. Gigisingin niya ito sa romansa. Tingnan lang niya kung hindi ito ma-gising.

Hinalikan niya sa leeg si Jinky. Napakabango. Marahan lang at dampi-dampi lang siya. Dumako ang labi niya sa pisngi. Napaka-kinis ni Jinky. Pagkatapos ay humantong sa labi. Mamasa-masa ang labi ni Jinky. Napakabango ng hininga ni Jinky. Parang hininga ng bagong silang na sanggol.

Idiniin niya ang paghalik. Napakasarap halikan ni Jinky.

Dumako siya sa dibdib ni Jinky. Nahirapan siya dahil sa sagabal na manipis na damit pantulog. Hinubaran niya si Jinky at sa pagtataka ni Dick, wala na palang ibang suot ang asawa. Ngayon lang natulog si Jinky na walang saplot sa ilalim ng pantulog.

Pero iyon nga ang gusto niya. Wala nang kahirap-hirap sa gagawin niya.

Tumayo si Dick para alisin naman ang sagabal sa katawan niya. Napangiti si Dick habang hinuhubad ang pantalon. Kasunod ang damit pang-itaas hanggang sa inalis na ang huling saplot.

Napangiti muli si Dick, mamaya-maya lamang ay magigising si Jinky sa sarap ng romansa.

Sinimulan ni Dick ang ritwal. Kailangang marahan at suwabe ang pagpapadama niya. Kung pabigla-bigla, baka walang epekto. Kailangan, hindi malimutan ni Jinky.

Ginawa ni Dick ang lahat. Kabisadung-kabisado na niya ang gagawin. Hanggang sa maibigay niya ang hinahanap ni Jinky.

Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ni Dick nang magsalita si Jinky. Nananaginip ito. Umuungol.

(Itutuloy)

vuukle comment

DICK

DUMAKO

HANGGANG

JINKY

NAPAKABANGO

NAPANGITI

NIYA

PERO

TULOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with