^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

8. Paano sumakay sa elevator nang tuloy-tuloy patungo sa floor na pu-puntahan mo. Ginagamit ito ng mga pulis kapag may hinahabol sila: 1) Pindutin ang close door button at huwag bibitawan hangga’t hindi sumasara ang pintuan. 2) Habang nakadiin pa rin ang iyong isang daliri sa close door button, pindutin ang floor na iyong pupuntahan. Bibitaw ka lang sa pagkakapindot kapag gumalaw na ang elevator. 3) Tuloy-tuloy na ang iyong pagtaas. Mainam lang ito kapag wala kang kasabay at nagmamadali ka.

9. Kung ikaw ay maghihiwa ng maraming siling labuyo, gumamit ka ng gloves. Kung walang gloves, pahiran ng cooking oil ang iyong kamay para hindi kumapit ang “oil” ng sili na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kamay.

10. Kung ikaw ay nagising sa madaling araw at hindi na ulit makatulog, mag-pelvic exercise ka. Paano? Habang nakatihaya sa floor, itaas-ibaba mo ang iyong puwet hanggang sa mapagod at antukin. Marami pang benefits ang makukuha sa exercise na ito kagaya ng pagpapakas ng muscle sa bandang puson—magiging kasiya-siya na sa iyo ang pakikipagtalik, maiiwasan ang prolapse (slipping down of the vagina), maiiwasan ang mahirap na panganganak, erectile dysfunction at urinary incontinence.

11. Kung nanonood ka ng isang laro o laban sa kahit anong sports, huwag lang mismong laro ang iyong panoorin, pati na rin ang attitude ng players habang nakikipaglaro sa kalaban.

12. Mag-aral ng bagong wika.

13. Huwag mag-discriminate. Kumonekta ka sa mga taong alam mong interesadong makipagkaibigan sa iyo.

14. Mahalaga na marami kang nalalaman ngunit ilalabas mo lang ito kung kinakailangan. Nobody likes know-it-all.

15. Laging tandaan ang mga taong tumulong sa iyo. Mas masaya kung doble o higit pa ang ibabayad mo sa iyong utang na loob. (Itutuloy)

 

BIBITAW

GINAGAMIT

HABANG

HUWAG

ITUTULOY

IYONG

KUMONEKTA

KUNG

LAGING

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with