^

Punto Mo

10 gabay kay Daddy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…sa pagpapalaki ng anak na lalaki:

 

1. Mahalin mo nang tapat ang ina ng iyong anak. Para kapag tatay na siya, magiging faithful din siya sa ina ng kanyang anak. A good example is the best teacher.

2. Turuan mo siyang maging mapili. Lalo na sa babae. Kasi kung hindi matuturuan, baka basta’t nakapalda, puwede na.

 3. Mamasyal kayong mag-ama, manood ng sine, o ball game, para matutuhan niya kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng oras sa mahal sa buhay.

4. Turuan siyang maging matapang pero paalalahanan mo: its okey to cry.’

5. Share secrets together. Hindi lang bilang ama, maging bff (best friend forever) ka rin sa kanya.

6. Turuan siya ng “manners”. Kahit hindi kagandahang  lalaki, kapag  magalang magsalita, pumopogi ang isang lalaki sa mata ng mga babae.

7. Teach him to choose his battle. Hindi lahat ng laban ay dapat patulan. Turuan siya kung kailan maninindigan o kung kailan tatalikod upang umiwas sa suntukan.

8. Kapag naglalaro kayo, pagbigyan mong manalo siya. Para maisip niya na “big things are possible”.

9. Bata pa lang ay sanayin na siyang magkuwento sa iyo ng mga saloobin niya, upang paglaki niya, bukas na ang komunikasyon ninyo.

10. Maging mabuting tao para maging mabuting halimbawa sa anak.  Sinabi minsan ng American inventor na si Charles F. Kettering, “ Mas malaki ang tsansa na gayahin ng anak ang ginagawa ng kanyang ama kaysa sundin ang pangaral nito”.

 

“A FATHER should be his son’s first hero, and his daughters­ first love...”

BATA

CHARLES F

KAHIT

KAPAG

KASI

KETTERING

MAHALIN

MAMASYAL

TURUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with