^

Punto Mo

Lampong (480)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMAPIT sina Dick at Mulong kay Rey na noon ay nakabulagta sa ilalim ng punong Uloy. Sa mga laglag na bunga siya bumagsak. Nakatingin ang mga pulis sa naghihingalong si Rey. May sinasabi si Rey. Hinayaan ng mga pulis si Dick na pakinggan ang sinasabi ni Rey.

“P-Pareng D-Dick, p-patawad s-sa m-mga nagawa ko. I-Ikaw t-talaga ang dapat kilalanin sa naimbentong PENISITIK. S-Sana mapatawad mo ako…Pareng Dick…pata…’’

Hanggang sa lumungay­ngay na ito.

“Dalhin natin sa ospital,” sabi ni Dick.

Kumilos ang mga pulis at SWAT at binuhat si Rey patungo sa patrol car na nasa di-kalayuan. Maya-maya pa’y narinig ang sirena ng patrol car. Naiwan sina Dick, Mulong at ang leader ng team na nakabaril kay Rey. Kinukunan ng statement si Dick.

Makaraan ang tanungan ay may tinanong ang police officer.

“Sir Dick, ikaw ba talaga ang nakatuklas ng PENI­SITIK?’’

“A, kaming dalawa ni Rey kaso e sinolo niya.’’

“Alam mo mabisa ang gamot na ‘yun. Nagdala ang kapatid ko galing Maynila at ibinigay sa akin. Subukan ko raw. Alam mo kasi, Sir Dick medyo lumulungayngay na si Pedro ko. Nang makainom ako ng PENISITIK aba ay biglang nabuhay. Super Tigas, Sir Dick!’’

“Ganun ba?”

“Oo. Maligayang-ma­ligaya kami ng misis ko.’’

“Aba e di mabuti.’’

“Ikaw pala ang isa sa imbentor ng PENISITIK. Saludo ako sa’yo Sir Dick pero hindi sa napatay na si Rey. Dalawang tauhan ko ang binaril niya. Mabuti na lang at tinulungan n’yo ka­nina. Kundi nalagasan ako.’’

“Walang anuman ‘yun.’’

“Pero sinayang ng Rey na yun ang talino ano, Sir Dick.’’

“Oo. Ang masama, nang-rape pa siya at menor-de- edad pa.’’

“Oo nga Sir Dick.’’

Maya-maya pa, may tumawag sa police officer. Ibi­nabalita na patay na si Rey. DOA raw sa ospital.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

DICK

MULONG

OO

P-PARENG D-DICK

PARENG DICK

REY

SIR DICK

SUPER TIGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with