^

Punto Mo

8-Anyos na batang babae sa China, sumali sa Marathon; tatay, laging kasama!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BIHIRA sa mga batang babae ang palagiang sumasali sa mga marathon o iba pang running event o kung mayroon man, hindi madalas ang partisipasyon. Pero ang isang batang babae sa Hainan, China na tinaguriang “Little Magic Deer” ay nagpakita ng sigasig sa pagsali sa marathon. Lahat ay gusto niyang salihan at hindi siya sumusuko sa takbuhan. Sa katunayan nakakumpleto na siya ng 3,558 kilometers.

Unang naka-attract ng attention si Zhang Huimin, 8-anyos, noong Enero 2007 nang tumakbo siya paikot ng Hainan Island. Inabot ng 17 araw si Zhang bago naikot ang lugar. Umabot sa 840 kilometers ang kanyang natakbo. Lagi siyang sinasamahan ng kanyang tatay na si Zhang Jianmin sa pagtakbo. Nakasakay sa motorsiklo ang tatay.

Kamakailan, nakumpleto ni Huimin ang 3,558 kilo­meters nang tumakbo siya mula Hainan hanggang Beijing. Nagsimula siya sa Sanya, southernmost city ng China at inabot ng 55 araw bago narating ang Beijing City. Kasama pa rin niya ang kanyang tatay na si Jianmin na nakasakay naman sa bike. 

Maraming bumabatikos sa tatay ni Huimin sa ginagawa nitong pagpayag na tumakbo nang tumakbo sa iba’t ibang running event ang anak. Hindi raw ba nasasaktan ang damdamin nito kapag nakikitang hirap na hirap sa pagtakbo ang batambatang anak. Wala namang sinasabi ang tatay sa mga bumabatikos.

Si Huimin sa kasalukuyan ay may taas na 4 feet at may timbang na 21 kilograms.

vuukle comment

BEIJING

BEIJING CITY

HAINAN

HAINAN ISLAND

HUIMIN

LITTLE MAGIC DEER

SI HUIMIN

ZHANG HUIMIN

ZHANG JIANMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with