^

Punto Mo

101-Anyos na lalaki, sumali sa Marathon para mawala ang depression sa pagkamatay ng anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG ang ibang tao ay nagmumukmok dahil sa mga problema at depression sa buhay, hindi si Fauja Singh, 101-anyos. Ang kanyang ginawa para malimutan ang depression dahil sa pagkamatay ng anak, sumali sa marathon. Mabisa raw pantanggal ng depression ang pagsali sa marathon. Sa kabuuan naka-kumpleto na siya 42 kilometers mula nang sumali sa marathon, 10 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Fauja, binansagang “Turbaned Tornado”, sumali siya sa marathon para ganap na malimutan ang nangyaring pagkamatay ng kanyang anak. Masyado raw siyang na-depressed sapagkat nasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang anak na la-laki. Hindi naman sinabi ang dahilan nang pagkamatay.

Mula noon, sumali sa iba’t inang marathon si Fauja at nakapag-raised siya ng libong dolyar para sa charity.

Noong nakaraang February 2013, nakumpleto ni Fauja ang kanyang target na 42 kilometers nang sumali sa ibang marathon sa Hong Kong. Nakatapos siya sa ma­rathon at pakiramdam niya napagtagumpayan ang lahat.

Naging inspirasyon ng lahat si Fauja na sa kabila ng katandaan ay patuloy na tumatakbo para mawala ang depression.

 

AYON

FAUJA

HONG KONG

MABISA

MARATHON

MASYADO

MULA

NAKATAPOS

TURBANED TORNADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with