EDITORYAL - Nakapaghanda sa bagyo
ILANG araw pa bago dumating ang bagyong “YoÂlanda†ay nagbigay na ng babala ang mga awtoridad ukol dito. Kailangang lumikas ang mga residenteng nasa mababang lugar at nasa tabing dagat at mga ilog at sapa. Ang “Yolanda†ang sinasabing pinaka-malakas na bagyo na tumama sa bansa. Umabot sa Signal No. 4 ang bagyo. Tinumbok ng bagyo ang Samar-Leyte, Cebu, Panay at iba pang probinsiya sa Visayas. Tinamaan din ang Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, Mindoro provinces at Palawan.
Grabe ang pinsala ng bagyo sa Samar at Leyte. Maraming bahay ang nasira, natuklap ang mga bubong, maraming puno ang nabuwal, bumagsak ang mga poste at nawalan ng kuryente sa nabanggit na probinsiya. Biglang tumaas ang tubig at may mga bahay sa tabing dagat ang inanod.
Ang ipinagpapasalamat ay walang gaanong namatay sa pananalasa ng bagyo. Naiulat na apat ang namatay. Ang isa ay nakuryente bago pa lubusang nanalasa ang bagyo. Hindi naman makumpirma ang dahilan ng kamatayan ng tatlong iba pa.
Sa Sorsogon, isa sa matinding hinagupit ng bagyo ay walang naitalang namatay. Ilang araw pa bago manalasa ang bagyo ay pinalikas na ang mga tao. Dinala sa matataas na lugar at ang iba ay sa mga covered court. Maski sa Samar at Leyte ay nakapaghanda rin nang todo ang mga tao kaya bago pa dumating si “Yolanda†ay naka-evacuate na ang mga tao. Nakapag-istak sila ng pagkain at iba pang pangangailangan. Ang iba ay nilagyan ng suhay ang mga bahay para hindi magiba.
Nanawagan din si President Aquino sa mga tao na maghanda sa bagyo. Lisanin ang mga lugar na binabaha. Sundin ang payo ng mga opisyal sa panahon ng evacuation.
Malaki ang nagagawa ng paghahanda. Kakaunti ang nagbubuwis ng buhay sapagkat nakaalerto sa pananalasa ng bagyo. Ang ganitong pag-uugali ang nararapat panatilihin kapag may darating na kalamidad.
- Latest